^

Pang Movies

Tekla, nairaos ang binyag ng anak

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Mga ninong at ninang absent

Mga sikat at bigatin ang mga kinuhang ninong at ninang ni Tekla sa binyag ng anak niyang si Angelo, pero dahil sa pandemic at nasa qua­rantine pa ang Metro Manila, hindi nakadalo ang godparents ng six-month old na si baby Angelo.

Kabilang sa ninong at ninang sina Sharon Cuneta, Ariella Arida, Lovely Abella, Ethel Booba, Nelson Canlas, Betong Sumaya, at ang Beks Battalion na sina Chad Kinis, Lassy, at MC Mwah. Naintindihan ni Tekla kung bakit walang nakarating sa mga ninong at ninang ni Angelo.

Sabi naman ni Tekla, naiparating ng mga ninang at ninong ang kanilang pre­sence, kung anuman ang ibig sabihin noon.

Marami rin ang nagtatanong kung bakit hindi kasama sa godparents ng anak ni Tekla ang best friend niyang si Donita Nose. Present sa binyag ang panganay ni Tekla na si Aira na kasama ang ama sa Kapaskuhan.

Dingdong at Marian, sa Palawan nag-anniversary

Sa Amanpulo, Palawan pala nagbakasyon sina Dingdong Dantes at Marian Rivera kasama ang mga anak na sina Zia at Sixto. Sa mga pinost na photos ng mag-asawa, lalo na si Dingdong, makikitang lubos silang nag-enjoy sa kanilang bakasyon na selebrasyon din ng sixth wedding anniversary nina Dingdong at Marian.

Sa mga litrato, mapapansin, si Dingdong ang madalas kasama ni Zia at si Sixto, laging si Ma­rian ang kasama. Pero, may bonding moment din naman sina Dingdong at Sixto at si Marian at Zia.

Nakakatuwa ang caption ni Dingdong sa pinost na photo ng anak na si Sixto dahil ang sabi, “Kapag ganiyan na ang mukha niya, wala na, tunaw na ang Nanay niya.” Kasunod nito ang mga comments na ang guwapo talaga ni Sixto at paglaki nito, certified heartthrob na ito.

Sarah, nagpapraktis kumarga ng bata

Nagkaroon ng pag-asa ang fans nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo na magkakaayos na ang Guidicelli couple sa parents ni Sarah dahil sa balitang kasama ni Sarah si Matteo nang makipag-bonding sa mga pinsan ni Sarah sa mother side.

Naniniwala ang fans nina Sarah at Matteo na simula na ito sa pinapangarap din nilang matanggap na ng parents ni Sarah si Matteo. Wish nila na sa New Year, makakita na sila ng photos ng mag-asawa na kasama si Matteo. Malaki raw ang magagawa ng mga pinsan ni Sarah para magkaroon na ng peace sa pamilya ng singer-actress.

Ang sabi, ang mga pinsan ang bumisita kina Sarah at Matteo sa bahay nito and for sure, nakuwento nila ang ganda at laki ng four-bedroom house ng mga Guidicelli at may swimming pool pa.

Sa isa sa mga litrato ni Sarah kasama ang mga pinsan, may karga siyang baby at biniro siya ng fans na nagsasanay na raw siyang kumarga ng baby para kung sila na ni Matteo ang may baby, hindi na siya maninibago.

Actually, nagsasanay nang kumarga ng baby si Sarah sa pamangkin naman ni Matteo.

Nanay ni Maine, kinampihan sa reklamo sa NBI

Lahat pabor sa ginawa ng mom ni Maine Mendoza na si Mary Ann Mendoza na ireklamo sa NBI Cybercrime division ang mga nasa likod ng pagpapakalat ng sex video ng anak. Ang comments nga, sana tuluyan ng mom ni Maine na idemanda ang nasa likod ng sex video na ikinalat pa ang sex video kapalit ng pagla-like sa kanilang profile.

Sabi ng mom ni Maine, “hindi siya makatarungan. Lumagay man kayo sa amin bilang magulang, siguro mararamdaman ninyo ang sakit na nararamdaman naming mga pamilya niya,” emosyonal na pahayag ng mom ni Maine na gumagaralgal pa ang boses.

Nauna rito, itinanggi na ni Maine na siya ang nasa video at nagbanta na rin ang management company ni Maine na All Access to Artists Inc., na mananagot ang nagpakalat ng sex video. Hindi na sila mahirap hanapin dahil na-save ni Rams David ang mga tweet ng nagpakalat ng sex video.

vuukle comment

TEKLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with