^

Pang Movies

Jed, nasimot ang datung sa pandemya

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Nagtatanungan ang netizens kung para kanino ang post ni Jed Madela na “Guys... walang wala na talaga... simut na simut. Next year na pag may trabaho na ako ha???”

May nag-comment na para sa mga nanghihiram ng pera kay Jed ang post niyang ito, para hindi na siya kulitin na magpautang ng pera. May naniniwala namang para sa mga inaanak niya na mag-i-expect ng pamasko this Christmas. May humuhula naman na para sa naniningil ng kuryente, tubig, cable, internet at iba pang monthly nating binabayaran.

Kung sinuman ang pinatutungkulan ni Jed sa kanyang post na ito, sana maisapuso, seryosohin at ‘wag munang kulitin si Jed. Babawi rin naman siya next year kapag may trabaho na siya.

Ang nakakatuwa, magtatapos ang 2020 na may trabaho si Jed dahil nabasa namin na kasama siya sa Grand Countdown sa Newport Performing Arts Theater, Resorts World Manila. Sa husay na performer ni Jed, siguradong may mga trabahong darating sa kanya.

Klea, natakot kay Sunshine

Tapos na ang 24 days lock-in taping ng Magkaagaw, isa sa afternoon series ng GMA 7, pero next year pa babalik sa telebisyon ang series. Tatapusin muna siguro ang Bilangin ang Bituin sa Langit.

Sa pagtatapos ng kanilang taping, may appreciation message si Klea Pineda kay Sunshine Dizon na gumanap na kanyang ina sa series.

Post ni Klea: “Ate Shine, marami akong dapat ipagpasalamat sayo. Napakarami kong natutunan sayo, hindi lang sa pag-arte kundi pati na rin kung paano maging mabuting tao. Inalalayan mo ako in every step of the way, hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko ngayon. Isa ka sa mga blessings na ibinigay sa akin ni God para mas mahalin ko ang ginagawa ko. Masaya ako dahil mas naging close tayo dito sa lock-in taping natin.

“Naalala ko nung unang araw natin na nag-taping for Magkaagaw, natatakot ako na maka eksena ka dahil baka maboljak mo ako. Pero nagkamali ako, tinulungan mo ako at inalalayan sa bawat eksena na nahihirapan ako. Marami akong natutunan sayo, ate, I’m grateful and proud dahil nakatrabaho kita. Mahal kita, ate.”

Samantala, mabuti pala at hindi naapektuhan ang tambalan nina Klea at Je­ric Gonzales sa Magkaagaw sa tsika na sa totoong buhay, sina Jeric at Sheryl Cruz ang nagkadebelopan, ito ay kahit malaki ang agwat ng kanilang edad. 

Maine, nanghihingi ng hustisya sa mag-inang binaril ng pulis

Nag-react si Maine Mendoza sa pamamaril ng pulis na si Jonel Nuezca sa mag-inang Sonya at Frank Gregorio na binaril sa ulo.

Sabi ni Maine, “Bakit kailangan umabot doon? Hindi ko kaya, grabe. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko pero pwede bang barilin ka na lang din sa harap ng anak mo? Sorry Lord pero sobra kasi yun eh. Sobra yung ginawa niya. Hustisya para sa mag-inang Gregorio.”

Ang magandang balita, sinampahan na ng kasong double murder si Jonel Nuezca, at nalaman pang may mga dati na siyang criminal at administrative cases sa Nueva Ecija. Ang panawagan ng sambayanang Pilipino, hindi lang basta makulong ang pulis, sabi nga ni Senator Ping Lacson, “PNP leaders should show no mercy. They should spare no effort to make sure that he rots in jail.”

Richard nag-taping na

Nagsimula na ang project ni Richard Yap sa GMA 7, nag-taping na siya ng Dear Uge Presents at may nakita kaming photo nila ni Eugene Domingo sa taping. ‘Kaaliw dahil bukod sa fit body, pinansin ng netizens ang mapuputing mga paa ng bagong Kapuso talent.

Bukod sa Dear Uge Presents, maggi-guest din si Richard sa online benefit concert ng Kapuso singer na si Anthony Rosaldo billed Sana Ngayong Pasko. Naka-schedule na ito bukas. 

vuukle comment

JED MADELA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with