^

Pang Movies

Anak ni Dolphy na si Edgar, namatay sa atake sa puso

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Mababasa sa kanyang Instagram page ang post ni director Eric Quizon na “Farewell kuya edgar. May you find peace in heaven. Please hug Dad, kuya Freddie, kuya Rolly and Dino for me. You will be missed. We love you, rest in peace my brother.”

Cardiac arrest ang ikinamatay ni Edgar Quizon na ang natatandaan namin, sinubukan ding mag-artista, In fact, nakalabas siya sa ilang pelikula ng RVQ Productions kasama ang amang si Dolphy.

Speaking of Eric, sa post nito sa IG, tuluy-tuloy ang taping nila ng Christmaserye ng TV5 na Paano Ang Pasko? at sa isang post nito, pinasalamatan pa si Julia Clarete dahil sa pa-merienda sa set na corndog at lemonade. Favorite childhood snack daw niya ‘yun at nagpasalamat kay Julia for fulfilling his wish.

Of course, hindi na mauulit ang pa-merienda ni Julia sa cast, staff and crew ng Christmaserye dahil inalis na raw sa cast si Julia dahil nag-demand ng dagdag na talent fee. Hindi nga lang ibinigay ng mga producer na sina directors Jun Lana at Perci Intalan ang kanyang demand, kaya out na siya sa cast.

Richard Yap Kapuso na

Nasa GMA Network si Richard Yap.

Pinahulaan kung sino ang bagong Kapuso na obvious na si Richard Yap ang tinutukoy dahil sa nakasulat na “Are You ready to meet our newest Kapuso?” Kahit malabo ang litrato niya, nakilala pa rin siya ng netizens na pumirna na nga kahapon ng kontrata sa GMA at nakalatag na ang mga gagawing programa.

Actually, last year pa nabalitang lilipat sa Kapuso Network si Richard, hindi pa nagsasara ang ABS-CBN, may ganito ng tsika.

Ibig bang sabihin, matagal ang naging negosasyon sa pagitan nila at ni Richard.

Regine, nakahanda na ang V-day concert

Ayan, nauna nang mag-announce si Regine Velasquez ng kanyang Valentine’s Day concert. Naka-post na sa Instagram page niya ang gagawing concert sa February 14, 2021 billed Freedom.

Ang caption ng post ni Regine, ang nakasulat, “The Asia’s Songbird is back on the concert stage with FREEDOM: A Regine Velasquez-Alcasid Digital Concert streaming this February 14 2021.”

Ang ABS-CBN Events at IME management company nina Regine at sister niyang si Cacai Mitra ang co-producers ng concert. Malapit na raw i-release ng ktx.ph ang tickets sa digital concert ni Regine.

vuukle comment

ERIC QUIZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with