^

Pang Movies

Mga Cayetano, aminadong nasaktan sa opinyon ni Bianca

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Sabay na humarap sa entertainment press ang magkapatid na sina dating House Speaker Alan Peter Cayetano at Taguig Mayor Lino Cayetano para sa isang lunch tsikahan last Tuesday.

Na-miss nga ng press si Mayor Lino na as we all know ay dating TV director at aminado rin naman siyang nami-miss na rin niya ang showbiz. Si Alan Peter naman, dahil nga nasa showbiz dati ang nakababatang kapatid ay marami ring kaibigan from the industry kaya naman hindi bago sa kanila ang makipagtsikahan sa mga movie press.

Isa nga sa natanong kay Alan ay ang ex-girlfriend ni Mayor Lino na si Bianca Gonzalez na nagkataon ding isa sa ABS-CBN talent na as we all know ay hindi nabigyan ng franchise ng Congress na pinamumunuan nga that time ng nakatatandang Cayetano.

He was asked kung hindi ba naapektuhan ang closeness ng pamilya Cayetano with Bianca matapos ma-deny ng franchise ang ABS-CBN.

Ayon kay former Speaker of the House ay masakit din sa kanya kapag nagpo-post si Bianca ng hurtful words pero aminado naman siyang masakit din naman ang ginawa nila sa TV host. “Kung sasabihin mong hindi naapektuhan, well, siyempre, kapag may post siya na masakit sa akin, masakit. Pero masakit din ‘yung ginawa namin sa kanya, kasi nga, Kapamilya siya, eh. So nun’g nawalan ng franchise, hindi ko maaalis sa kanya na may opinyon siya,” pahayag ni Alan.

Open naman daw ang line of communication nila at binati pa siya ni Bianca nu’ng kaarawan niya last October.

Ang maganda naman daw sa kanilang magkapatid ni Lino, blessed daw sila na maayos ang relasyon nila sa mga past women sa buhay nila. Like si Bianca, close pa rin daw ito sa pamilya nila kahit nga hindi ito ang nakatuluyan ni Lino.

Of course, malungkot din si Alan sa naging pagsasara ng ABS-CBN lalo na nga sa mga empleyadong nawalan ng trabaho. Pero hindi pa naman daw natatapos ang laban at puwede naman daw maisaayos pa ng network ang naging problema.

Kaya nga raw gumagawa rin sila ng paraan sa gobyerno para matulungan ang mga nawalan ng trabaho sa industry especially na sumabay pa nga ang pandemic.

Last Oct. 6, 2020 ay bumuo si Alan ng Special Committee on Creative Industry and Performing Arts kung saan ay pag-uusapan ang state ng creative industries. In the pipeline na rin ang Department of Arts and Culture Bill na naglalayong mabigyan ng gobyerno ng priority ang arts, culture and creative industries at ma-promote ang ating Filipino talent and craft around the world. This was patterned after the Hallyu or Korean wave na as we all know ay kinikilala na ngayon sa buong mundo.

vuukle comment

ALAN PETER CAYETANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with