^

Pang Movies

PM magde-debut na next year, kaedad ni Lorin

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
PM magde-debut na next year, kaedad ni Lorin

Alam mo, Ateng Salve, sa tuwing nagde-deadline ako ng column para rito sa Pang Masa (PM), naaalala ko ang panganay ni Ruffa Gutierrez na si Lorin.

Natatandaan ko kasi, kauuwi ko pa lang mula sa Istanbul, Turkey nang lumabas ang first issue ng PM noong 2003.

That time kasi, mula sa Los Angeles, California kung saan ipinanganak ni Ruffa ang kanyang panganay ay sumama ako kina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama nang ihatid nila si Ruffa at ang kanilang unang apo rito sa bahay ni Yilmaz Bektas sa Istanbul.

Kung tao nga lang ang PM, aba, Ateng Salve, baka ngayon pa lang ay abalang-abala na kayo ni Sir Miguel Belmonte at ng buong editorial team sa paghahanda naman para sa debut niya next year, huh!

Anyway, isa ang PM sa matatag pa rin kahit nga may COVID-19 pandemic, kaya let’s enjoy our anniversary!

Happy 17th anniversary PM at tuluy-tuloy pa rin ang mga bonggang tsika!

Korina, napakanta nina Pops at Martin

Isa si Korina Sanchez sa mga nakapag-taping na para sa eXes & whYs with Pops and Martin. Natuwa nga si Korina sa guesting niya sa new musical/talk show nina Pops Fernandez at Martin Nievera for Colours channel ng Cignal cable.

Naalala nga ni Korina ang Penthouse 7 show noong araw ng ex-couple sa bago nilang show. Sabi ni Korina, thankful siya kina Pops at Martin na naging guest siya sa eXes & whYs dahil na-enjoy niya ‘yon.

Sa posting ni Korina ay sinabi rin niya na napakanta siya nina Pops at Martin, huh! Bongga!

Sa December 19 nga pala ang pilot telecast ng nasabing show, pero hindi pa ‘yung guesting ni Korina ang mapapanood sa araw na ‘yon.

Lani at Pops, magkasama sa grand finals ng The Clash

May update tungkol sa The Clash ng GMA 7. After pala ng grand finals nila, magkakaroon sila ng Christmas special, huh!

At sa episode na ‘yon na kukunan mamaya, kasama si Lani Misalucha na matagal ding nag-absent sa show nang magkasakit. At dahil matagal ding nakasama sa season na ito si Pops bilang guest judge, isinama rin daw siya sa Christmas special ng show. Wow, so nice! May Lani na, may Pops pa. ‘Yun na!

vuukle comment

RUFFA GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with