^

Pang Movies

Hiwalayan sa 2020, sunud-sunod rin

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Kung may mga showbiz couple ang nagpakasal sa taong ito habang ang iba naman ay nagkaroon ng marriage proposals, hindi rin mawawala ang breakups among showbiz couples.

It was in November 2019 nang aminin ng Kapuso singer-actress na si Rhian Ramos ang kanyang relasyon with an Israeli national na si Amit Borsok pero nito lang nakaraang September 2020 ay napabalita naman ang paghihiwalay ng dalawa.

Nagwakas din ang relasyon ng singer at komed­yanang si Gladys Guevarra sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Leon Sumagui last September at naging very controversial ang kanilang paghihiwalay na may kinalaman sa pera.

Winakasan na rin ng mag-asawang Jay Contreras ng Kamikazee at dating child actress na si Sarah Abad ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa. Ang ex-couple ay ikinasal noong August 2009 at napabalita naman ang kanilang paghihiwalay nito lamang nakaraang May 2020.

Hindi na rin matutuloy ang pakikipag-isang dibdib ni Toni Aquino (anak ng TV host-comedian na si Ruby Rodriguez) sa kanyang US Army fiancé na si Rick Centurion dahil hiwalay na rin ang dalawa. The couple got engaged in 2018.

Ang isa pang celebrity breakup ay sa pagitan ng Brazilian-Japanese model-actor na si Daniel Matsunaga sa kanyang Polish model ex-girlfriend na si Karolina Pisarek.

Atty. Topacio, malaki ang tiwala kay Myrtle

Bilang bagong concert and movie producer ng Borracho Film Productions, hindi ikinakaila ng celebrity and controversial lawyer na si Atty. Ferdie Topacio na all-out umano siya in terms of budget dahil ayaw umano niyang ma-shortchange ang mga manonood.

Although ongoing pa ang production ng kanyang debut film movie bilang producer,  ang Mamasapano na pinamamahalaan ni Lawrence Fajardo, una munang mapapanood ang virtual major concert ng cosplayer, ex-PBB Teen Edition Big Winner, singer-actress, dancer at celebrity endorser na si Myrtle Sarrosa sa kanyang Myrtle: Still Love Me sa darating na Sabado, 8:30 p.m.

Inamin sa amin ng lawyer-producer na gumastos umano siya ng halos isang milyong piso sa concert production ni Myrtle na ginanap sa Teatrino in Greenhills San Juan which was taped last Saturday, November 21.

Ayon kay Atty. Topacio, live band umano ang kanilang ginamit with matching A-1 sound system and stage lights, dancers, back-up singers, LED video wall at iba pang required sa isang major concert.  Labas pa ito sa itong costume changes ni Myrtle.

Umaasa si Atty. Topacio na susuportahan si Myrtle ng kanyang fans worldwide sa pamamagitan ng live streaming kaya mas marami ang puwedeng makapanood ng concert.

Si Myrtle ay kasama rin sa cast ng Mamasapano. Dahil sa pagiging `paborito’ ni Atty. Topacio kay Myrtle ay nabibigyan tuloy ito ng ibang kahulugan na tinatawanan lamang ng mahusay na abogado. “I believe in Myrtle’s talent,” depensa ni Atty. Topacio na ayaw naman siyempre paniwalaan ng iba.

TV5, ang daming bagong programa

Kung aggressive ngayon ang TV5 sa kanilang mga bagong entertainment programs ito’y dahil sa tulong ng iba’t ibang independent producers tulad ng Brightlight Productions ni Albee Benitez, Archangel Media nina Mike Tuvierra at Jojo Oconer, Cornerstone Entertainmment ni Ericson Raymundo, nariyan din ang Viva Entertainment na may ilang programa na rin ang nakakasa sa Kapatid Network.  Bukod sa pinag-uusapang Masked Singer Pilipinas, nariyan din ang Bella Bandida ni Ryza Cenon, ang Great Adventures nina Benjie Paras and Empoy Marquez at ang pinakabago ay ang horror weekly anthology na Kagat ng Dilim kung saan apat na award-winning directors ang magkakahiwalay na namamahala sa iba’t ibang tapusang episodes. Ang mga ito ay sina Richard Somes, Lawrence Fajardo (na siya ring director ng pelikulang Mamasapano), Paul Basinilio at ang female director na si Rae Red.

vuukle comment

RHIAN RAMOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with