^

Pang Movies

Julia hinihintay sa Probinsyano

BOZEZ - Vir Gonzales - Pang-masa
Julia hinihintay sa Probinsyano

Marami ang umaangal kung kailan ba mapapanood ang tambalan nina Coco Martin at Julia Montes sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano.

Sana raw ay totoo ‘yun at mapanood na nila sa lalong madaling panahon.

Ang isa pang inaalala nila ay hindi raw nila minsan ma-locate ang A2Z Channel ng ABS-CBN o Channel 11.

Anyway, ano  na nga bang nangyayari sa kuwento ng Ang Probinsyano?

Basta ang sigurado, hindi ako naniniwalang mawawala sa series si Yassi Pressman.

Zsa Zsa, palihim ang pamimigay ng ayuda?!

Nagtataka ang mga tagahangang nakakita kay Zsa Zsa Padilla sa Laguna dahil namamakyaw daw ito ng mga bayong sa palengke. Naisip tuloy ng mga ito na baka mamimigay ang sikat na singer ng ayuda at ‘yun ang gagamitin niya.

Ang isa pang ikinaiintriga ng mga nakakita, ano kayang ilalagay niya?

Baka naman mga gulay dahil may farm na nga sila Zsa Zsa ‘di ba?

Project ni Kris, may natuloy kahit papaano

Mabuti na lang at natuloy si Kris Aquino sa endorsement sa isang online store dahil kahit papaano ay muli siyang napanood ng mga tagahanga niya na matagal nang nakaabang sa muli nitong pagiging aktibo. Almost one year na kasi mula nang i-announce na muli siyang magbabalik sa isang TV talk show, unfortunately, naudlot ang lahat.

Sean parang ahas daw sa lambot ng katawan

Masuwerte ang baguhang aktor na si Sean de Guzman na bida sa pelikulang Anak ng Macho Dancer na directed by Joel Lamangan. Makakasama niya ang mga bigating artista na sina Rosanna Roces, Jay Manalo, Jaclyn Jose at Allan Paule. Gaganap si Allan bilang ama ng aktor sa pelikula at marami ang nakakapansin ng malaking pagkakahawig ni Sean kay Allan na para bang tunay talaga niyang anak ito. Nakakaintriga pa na De Guzman din ang apelyido ni Allan.

Pero kung tutuusin ay second choice lang daw talaga si Sean dahil ang nauna raw talagang napili ng producer ng pelikula na si Joed Serrano ay si Mico Pasamonte na naunang nag-audition. Subalit dahil sa pagsasayaw ni Sean, na animo’y isang ahas daw sa lambot ng katawan, marami siyang napabilib kaya siya ang final choice.

vuukle comment

JULIA MONTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with