^

Pang Movies

Gladys, mas gusto munang mag-negosyo kesa mag-lock in taping

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Gladys, mas gusto munang mag-negosyo kesa mag-lock in taping
Gladys

Dahil na nga hirap sa lock in at takot sa COVID-19 ni Gladys Reyes, medyo pass muna siya sa ilang alok na taping.

Kaya ang ginawa nilang mag-asawa, hinarap nang husto ang food business nila. Heto nga at pati fresh meat delivery pinasukan na nila ni Christopher Ro­xas. Talagang top of the line fresh meat na meron nang rekado ang bago nilang business, dahil humina nga ang Estela at Sommereux catering nila dahil sa pandemic.

Business minded at talagang may wido sa negosyo ang mag-asawa kaya mukha namang maganda ang kinalalabasan ng kanilang pinasok na business.

Saka sa rami nga ng anak nila na dapat gabayan sa online schooling ngayon, mas gusto muna ni Gladys na nasa bahay at acting as tutor sa mga anak.

Mabuti nga at nakita nila ang isang fallback, ang negosyong pagkain.

News programs, mainit ang labanan

Parang ang labanan ngayon hindi sa drama kundi sa newscast.

Nakita mo ba ang mga line-up ng mga newscaster sa 6 p.m. news? Ang bongga ‘di ba? Merong Noli de Castro, Raffy Tulfo, Mike Enriquez, Vic Lima, Erwin Tulfo at bongga din ang mga kasama nila. Parang naglalaban ang 24 Oras, TV Patrol, TV5 , PTV4, Net 25 sa pagbabalita ng mga nagaganap sa bayan natin.

At mukhang labanan din kung alin ang mas exciting at mas mainit ang exclusive na news. Bongga rin ang hanapan ng mga reporter dahil kailangan iba-iba ang mga anggulo ng ibabalita nila.

Mahihilo ngayon ang mga manonood sa TV kung saang channel pupunta, dahil lahat naman credible at mahuhusay ang anchors. Exciting kung alin ang susundan ng viewers, Exciting talaga.

News pa lang iyan ha, pati nga musical shows at drama ay masigasig na rin sa pagbuhay ng hilig ng manonood para lalo pang bantay TV na lang lahat ng tao. Walang alisan ng bahay, hah hah hah.

vuukle comment

COVID-19

GLADYS REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with