^

Pang Movies

Matteo, iniintriga sa ‘di pagbati sa biyenan

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Matteo, iniintriga sa �di pagbati sa biyenan
Matteo

Hindi naman talaga dapat gawing big deal ‘yung hindi nakita o nabasa na bumati ng Happy Birthday sa tatay Delfin ni Sarah Geronimo si Matteo Guidicelli,. Malay naman natin na hindi lang iyon ginawa sa social media ni Matteo at ipinaabot na lang niya iyon privately sa kanyang biyenan.

Sure naman ako na one day maaayos ang lahat between Sarah, Matteo at mga magulang ni Sarah na sina Delfin at Divine. Imposibleng hindi maayos lalo pa at alam natin kung gaano ka-close si Sarah sa mga magulang niya.

Hindi basta mabubura ang pagmamahal na iyon, kaya oras lang ang hihintayin.

Hindi naman kailangan lahat ng pagbabati maging public, malay naman natin kung ano ang ginagawa nila out of the public eye.

Mukhang very sweet na tao naman si Matteo at hindi kataka-taka na ‘yung pagmamahal niya kay Sarah ay ganu’n din maging ang pagmamahal niya sa kanyang mga biyenan.

Malay natin this Christmas, maging masaya ang lahat. Maging one big happy family silang lahat.

Sunday mass, nakasanayan na sa TV

Balak ko na sa next Sunday, sa simbahan na pumunta at hindi na ako sa TV makinig ng misa. Kasi nga baka makasanayan ko na ‘yung mass ni Father Tito Caluag sa Metro Channel every 8 a.m., at hindi ko na magawang pumunta sa church.

Ngayon na medyo payag na sila na magpunta sa simbahan ang mga tao kahit nga restricted ang bilang, dapat siguro unti-unti ring sanayin uli ang pagsisimba at huwag na sa TV lang.

Pero gusto kong pasalamatan ang Metro Channel ha, imagine mo sa buong pandemic na ito, dito ko nagawa ang spiritual duty ko every Sunday. Isa pa naman iyon sa lagi kong nilalagay sa isip ko, isang oras na minsan isang linggo lang, dapat hindi natin kalimutan ‘yung dapat nating ibigay na oras para kay God. Feeling ko kasi, pag hindi mo ginawa, napaka-ungrateful mo na ang da­ming oras at araw na busy ka, isang oras sa Linggo lang para kay God ay ‘di mo pa magawa?

vuukle comment

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with