^

Pang Movies

Dennis, walang alam sa mga galaw ni Julia

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Dennis, walang alam sa mga galaw ni Julia
Dennis

Kung si Dennis Padilla ang tatanungin, ang gusto niya ay kausapin na lang ang dating broadcaster na si Jay Sonza na naglabas sa social media na ang kanyang anak na si Julia ay nabuntis ni Gerald Anderson. Sinabi pa ni Dennis na “ok naman iyang si Kuya Jay. Siguro kausapin lang na sa susunod tanungin naman muna niya ako o si Marjorie bago gumawa nang ganoon”.

Pero si Dennis iyon, hindi si Julia. Si Julia naman ay sumugod talaga sa NBI at nagharap ng reklamo laban kay Jay Sonza.

Hiniling ni Julia sa NBI na imbestigahan ang ginawa ni Sonza at sampahan iyon ng kaso.

Pero naging kumplikado lang ang kaso. Hindi dapat na sa NBI nagpunta si Julia. Una, ano pa nga ba ang iimbestigahan eh maliwanag namang lumabas iyon sa social media account ni Sonza?

Ang dapat sanang ginawa ni Julia ay kumuha ng isang abogado, at sinampahan na ng reklamo si Sonza sa piskalya. Ang NBI ay isang investigating agency lamang. Kung may pormal nang reklamo, dapat sa korte na tumakbo.

Ganoon din naman ang mangyayari eh, sasabihin din ng NBI na dalhin ang kaso sa korte at hindi naman puwedeng ang NBI ang magharap ng kaso kung di sina Julia rin.

Mabuti rin iyang ganyan dahil nasusubukan natin ang lakas ng mga batas na ginagawa ng kongreso. Wala pa kasi kaming naririnig na naresolbang kaso ng cyber bullying, o libel dahil sa social media.

 Inumpisahan iyan ni Liza Soberano laban sa isang empleyado ng isang internet provider na nagsabing masarap siyang “maipa-rape”.

Janella hindi na kailangang umamin

Hindi na kailangang sumagot pa si Janella Salvador o ang ina niyang si Jenine Desiderio kung nasaan nga sila ngayon.

Nag-post kasi si Jenine ng kanyang birthday celebration, pinasalamatan niya si Janella at ang boyfriend noong si Markus Paterson sa inihandang pagkain, at pinasalamatan din niya si “Mr.P”, ang tatay ni Markus.

Sila ay nasa isang dining room kung saan magkakasama silang lahat, pati ang tatay ni Markus at ang isa pang anak ni Jenine na si Russel. Maliwanag na nagbabakasyon nga ang kanilang pamilya sa bahay nina Markus sa UK.

Bakasyon lang naman iyon at wala sigurong ibang kahulugan. Kung may iba mang kahulugan, malalaman natin sa mga susunod na araw.

Angel at Alessandra, suportado ang demanda ni Liza

Nagbigay ng suporta sina Angel Locsin at Alessandra de Rossi kay Liza Soberano sa isinampa niyang demanda laban sa isang empleyado ng internet provider na nagsabing “masarap siyang maipa-rape”. Mabilis ding naglabas ng statement of support kay Liza ang ABS-CBN.

Pero sayang, off the air na ang Channel 2 ng ABS-CBN at ganoon din ang kanilang dzMM. Kung bukas pa ang mga iyon, aba mas matinding suporta nga ang maibibigay ng network dahil parang mas may ngipin pa ang network. Ngayong wala silang franchise at nasa cable at internet na lang, may puwersa pa rin naman pero hindi na kagaya nang dati.

Aba noon basta sinabing ABS-CBN matindi iyan.

vuukle comment

DENNIS PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with