^

Pang Movies

Mister ayaw pagalawin Marian, bumabawi sa pagka-miss kay Dingdong

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Mister ayaw pagalawin Marian, bumabawi sa pagka-miss kay Dingdong
Marian at Dingdong

Nang-aakit ang throwback photo ni Marian Rivera sa latest Instagram post habang kasama ang asawang si Dingdong Dantes sa The Farm sa San Benito, Batangas. Isang linggo rin kasing hindi nagkaniig ang mag-asawa dahil tinapos ni Dong ang lock-in taping ng Kapuso series niyang Descendants of the Sun sa Rizal province.

Bahagi ng caption ni Yan, “Na-miss na kita ang tagal mong nawala sa bahay, pwes ngayon wag kang aalis sa paningin ko! Wag kang gagalaw dyan ka lang. LOL. Saranghae!”

Hanggang throwback muna sina Dong at Marian dahil hindi rin nila puwedeng iwan ang dalawang anak.

Sa pagbabalik ni Dong, puwede na silang maligo nang sabay, huh! Kahit may pandemic eh naliligo pa rin sila nang sabay!

Sarappppp! Ha! Ha! Ha!

Samantala, inilabas na rin ni Yan ang bagong collection ng kanyang negosyo kaya siguradong sold out na naman ito!

Sa totoo lang, kahit ang docu-drama na Tadhana lamang ang TV show ng GMA Primetime Queen, continuous pa rin ang endorsements niya at sa social media niya makikita ang endorsements na patuloy na nagtitiwala sa kanya!

Post-post lang siya eh, may kita na!

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with