^

Pang Movies

Kris, lumayas na sa GMA

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Kris, lumayas na sa GMA
Kris

Freelancer na pala si Kris Bernal, nag-expire na ang kontrata niya sa GMA Artist Center, kaya libreng nakapag-guest sa Chika, BESH! sa TV5.

Last Monday umere ang episode na guest si Kris at sa kanyang IG Story, nag-post si Kris ng “Back to work... Sa kabilang channel.”

Nagulat ang Kapuso sa fans sa paggi-guest ni Kris sa TV5 at baka masundan pa sa iba pang shows ng Kapatid Network, dahil nga wala na siyang kontrata sa GMAAC.

May nag-comment pa nga na baka lumipat na sa TV5 si Kris, kaya nanawagan sila sa GMAAC na i-renew ang kontrata ng aktres at ‘wag hayaang mawala siya sa GMA-7.

Still on Kris, makikita rin sa kanyang IG post ang photo na ka-holding hands ang fiance niyang si Perry Choi at sa background, makikitang may under construction na bahay.

Caption ni Kris, “Reunited and it feels SO GOOD! Didn’t see him for more than a month cause I’ve started accepting tapings and self-isolating every single time.”

Sa sinulat na Sunday agenda, kasama ang “house construction site visit/planning/meeting,” at “No hugs. No kisses. No sleepovers. We never know! We don’t want to infect each other or our family under any circumstances.”

Comment ng followers ni Kris, sa “no sleepovers” ibig ba raw sabihin, nag-i-sleep over na sila sa kani-kanyang bahay?

Ruby, lalayas na sa EB?!

Mukhang wala pang comment ang Eat...Bulaga sa “sila tanungin mo” na sagot ni Ruby Rodriguez sa netizen na nagsabing nami-miss na niya si Ruby sa EB at kung babalik pa ba siya sa noontime show. Bakit daw ang iba niyang kasamahan lumalabas na either via Zoom o kaya’y live, samantalang si Ruby, matagal nang hindi napapanood?

Kabilang sa nag-comment na nami-miss niya si Ruby ay si Pauleen Luna-Sotto na very close sa kanya. Walang sinasagot si Ruby sa mga tanong at napansin namin na naka-set na sa  “comments on this post have been limited” sa comment box ng kanyang IG.

Sa nakita namin sa kanyang IG post, nasa Los Angeles, California si Ruby at isa siguro ito sa mga rason kung bakit hindi pa siya napapanood sa EB.

Pero, tama rin ang comment ng viewers ng EB na puwede naman siyang lumabas via Zoom nga.

Anyway, hintayin natin ang magiging sagot ng EB sa isyung ito at hindi kami magugulat kung biglang nasa TV5 na si Ruby, sa shows na produced ng Archangel Productions nina director Mike Tuviera at Jojo Oconer.

Maine at Arjo ‘di pa rin tanggap ng ibang AlDub

Controversial ang post ng fan nina Maine Mendoza at BF na si Arjo Atayde sa bakasyon ng dalawa sa Tagaytay noong September 13, 2020 dahil may AlDub fans pa rin na hindi naniniwala sa relasyon nina Maine at Arjo.

Kahit may mga ebidensya ng litrato na magkasama ang dalawa at siblings ni Maine at ilang close friends, ayaw pa ring maniwala ng ibang fans.

Habang nasa Tagaytay, dumiretso raw sina Maine at Arjo at mga kasama sa vacation house nina Arjo at may picture pa nga na naligo sila sa swimming pool ng bahay nina Sylvia Sanchez.

Ang paniwala ng ilang AlDub fans, kasama ni Maine si Alden Richards sa Tagaytay at kung bakit wala si Alden sa picture, sinadya raw na hindi sumama ng Kapuso actor sa kuhanan ng litrato dahil inililigaw daw ang fans.

Sabi tuloy ng fans nina Maine at Arjo, kailan maniniwala ang ilang AlDub fans na hindi si Alden, kundi si Arjo ang boyfriend ni Maine?

New normal taping, walang alisan sa location

Four days lang ang itinagal ng lock-in taping ng mga episode ng I Can See You at para mas safe sa cast, sa staff, and crew, sa iisang location lang ang set up.

Ang taping nina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith ng episode na Love on the Balcony, sa Tagaytay ginawa. Ang location ng The Promise episode nina Paolo Contis, Andrea Torres, Benjamin Alves at Yasmien Kurdi, sa Lake Caliraya naman ang location.

Ang katatapos lang na taping nina Lovi Poe at Tom Rodriguez, sa isang hotel sa Clark Pampanga ang location. Ang episode na lang nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ang hindi pa nakakapag-taping, pero tiyak na aabot sa airing schedule. Sa September 28, sa GMA Telebabad ang premiere ng I Can See You at una ngang ipalalabas ang Love on the Balcony nina Alden at Jasmine sa directions nina LA Madridejos at Rechie del Carmen.

vuukle comment

KRIS BERNAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with