^

Pang Movies

Ariana, first woman na may 200M followers!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Ariana, first woman na may 200M followers!
Ariana

Si Ariana Grande ang first woman to reach 200 million followers on Instagram!

Ang 27-year old singer ay sinundan nina Kylie Jenner with 193 million followers at Selena Gomez with 190 million followers.

Ang soccer star na si Cristiano Ronaldo ang kauna-unahang maka-reach ng 200 million on Instagram. Kasalukuyang meron siyang 237 million followers.

Nagpadala agad ng congratulatory message si Lady Gaga kay Ariana na naka-collaborate niya sa hit single na Rain On Me.

Naging very close sina Ariana at Gaga nang gawin nila ang music video na Rain On Me na nanalo ng ilang awards sa nakaraang MTV VMAs 2020.

Jace, presidente ng sariling kumpanya

May sariling online food delivery service na rin ang Survivor Philippines season 1 contestant na si Jace Flores na ang tawag ay Paluto 2 Go.

Naisip niyang pasukin ang negosyo na ito after maapektuhan ng COVID-19 pandemic ang network marketing industry kung saan matagal siyang nag-work noong maging inactive siya sa showbiz.

Nabuo ang Asia-Win Food Corporation kung saan president si Jace, CEO ang kanyang misis at tatlong kaibigan na umuupong chairman at executive directors.

Puwedeng mabisita ang kanilang website: http://www.Paluto2Go.com. 
or ang kanilang Facebook page: https://www.facebook.com/Paluto2Go.

Miss na rin ni Jace ang showbiz kaya tumanggap sya ng TV project titled Obra Macabra kung saan kasama niya sina Iana Bernardez (daughter of Angel Aquino), Mico Aytona, and the late Menggie Cobarrubias.

Aicelle at Mark, pinahuhulaan ang gender ng baby

Pinakita ng soon-to-be mom na si Aicelle Santos sa pamamagitan ng Instagram video ang latest sonogram ng baby nila ni Mark Zambrano.

Sa December na kasi ang due date ni Aicelle kaya excited na sila ni Mark na makita ang first born nila.

Noong nakaraang September 7 ay nalaman na nila ang magiging gender ng kanilang baby na pinangalanan nila na Baby Z.

Pero pinapahulaan nila ito kung boy or girl.

vuukle comment

ARIANA GRANDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with