^

Pang Movies

Bilyonaryang Thai transgender, ‘di puwedeng talbugan si Catriona

BOZEZ - Vir Gonzales - Pang-masa
Bilyonaryang Thai transgender, �di puwedeng talbugan si Catriona
Catriona

May mga komentong bakit daw tila natalbugan pa ng transgender ang beauty ng former Miss Universe Catriona Gray. Ang nasabing bilyonaryang transgender ang kumukupkop ngayon kay Clint Bondad sa Bangkok.

Parang ‘di naman. Paano mangyayari ‘yun eh babae si Catriona samantalang transgender ang bilyonarya? Baka sa datung lang.

Ate Vi, gusto nang pakasal si Luis

Sa isang panayam kay Kongresista Vilma Santos, nabigla siya noong tanungin kung tutol ba siya sa balak na wedding ng anak na si Luis Manzano at Jessy Mendiola. “Naku hindi, wala akong tutol sa kung anong plano nila,” sagot ni Ate Vi.

Sabik nang magkaroon ng apo si Ate Vi na noon niya pa sinasabi. Saka nasa tamang estado na naman na si Lucky para magka-pamilya.

John, takot sa bayarin

Maraming tumulong kay John Regala sa pagpapagamot sa kanyang karamdaman. Magandang senyales ito sa panahon ng ‘pandemonic.’

Samantala, kinukuwestyon si John kung bakit ito nag-apurang umuwi nu’ng nasa hospital gayung ginagamot pa. Pero tulad sa nauna kong nasulat, natatakot si John na madagdagan pa ang sakit at gastos niya sa hospital.

Kilala naming mabait si John at dala lang siguro ng sakit niya kaya akala ng iba ay may kakaiba na siyang ginagawa.

Ang Sa Iyo… tinutukan 

Masaya ang Kapamilya Channel dahil nagre-rate ang teleseryeng Ang Sa Iyo Ay Akin starring Jodi Sta. Maria, Iza Calzado at Sam Milby. Tampok din si Maricel Soriano. Matagal hindi nasundan ang huling teleserye ni Direk FM Reyes na Nang Ngumiti Ang Langit na direktor ng Ang Sa... Si direk FM ang loving husband ng aktres na si Rita Avila.

Happy birthday...

Birthday greetings sa mga August-born -  Cliff Richard, Dustin Hoffman, Mel Tiangco, Carmi Martin, Ernie Garcia, Leah Salterio, Roldan Castro at Mark Bautista.

vuukle comment

CATRIONA GRAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with