^

Pang Movies

Mariel napamura sa malaking bayarin sa tax

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Mariel napamura sa malaking bayarin sa tax
Mariel

Na-overwhelm ang misis ni Robin Padilla na si Mariel Rodriguez sa laki ng buwis na kanyang babayaran sa taong ito.

Sa kanyang Instagram Story naglabas ng kanyang frustration si Mariel dahil sa shocked daw siya sa laki ng babayaran niyang tax.

“I was having such a nice day until my accountant texted me the tax I have to pay for. Sira araw ko shet!”

Dahil sa pagkatulala ni Mariel sa buwis, hindi niya napansin na sobrang tagal na siyang nagpu-pump ng gatas mula sa kanyang dibdib.

“Because natulala ako sa tax. 29 minutes na pala ako nagpupump,” caption ni Mariel.

Pinagtataka lang ni Mariel ay matagal na siyang inactive sa showbiz simula noong maging full-time mom siya pero mataas pa rin daw ang babayaran niyang buwis.

Ang mister niyang si Robin ay isa sa Top 500 Individual Tax Payers sa bansa since March 2015 ayon sa BIR. Ang kinaiinis pa ni Mariel ay nagbabayad siya ng malaking buwis pero hindi raw maganda ang serbisyo ng gobyerno sa taong-bayan. Tulad na lang ng tubig na minsan ay wala raw.

“Yes!!! Ang sakit sa loob na akala ko mayaman na ako tapos dumating yung bayaran ng tax tapos nag bayad ako ng tax na para sa akin ay MALAKI tapos walang tubig sa bahay tapos may tax ulit na june 20 and June 28 na due ano yun???? Di pa ako nakaka recover dun sa malaki ko na binayaran meron na ulit????? Tapos wala tayong tubig?!?!?!?!?!?” comment ni Mariel.

Nag-celebrate lang kamakailan sina Mariel at Robin ng kanilang 10th anniversary.

Katrina daig pa ang naka-enroll sa online schooling

Tulad ng ibang showbiz moms, nakaalalay si Katrina Halili sa online schooling ng kanyang anak na si Katie.

Nag-a-adjust pa raw si Katie sa new normal of education kaya pati si Katrina ay nangangapa rin sa bagong sistema.

“Medyo nangangapa-ngapa pa rin kami. And si Katie hindi siya sanay na online na talaga ‘yung pag-aaral niya. Pero okay lang kasi start pa lang naman. Siguro mas malaking trabaho sa parents. Kasi ‘yung assignments nila, parang may mga Google classroom sila, doon itse-check lahat. Kailangan talaga siyang 100% na tutukan. ­Feeling ko ako ‘yung naka-enroll, parang gano’n,” tawa pa ni Katrina.

Naiintindihan naman daw ni Katrina ang dahilan kung bakit hindi pa puwede ang pumasok sa school ang mga bata. Para kampante nga siya na hindi mahahawa ang anak niya sa COVID-19 virus. 

Payo pa ng Prima Donnas star sa mga mommies na tulad niya: “Kapit lang, kaya natin to mga mommies. Huwag nating pababayaan ang ating mga anak.”

Bagong dyowa ni Brad Pitt kamukha ni Angelina Jolie

Isang German model ang nababalitang girlfriend ngayon ng Hollywood actor na si Brad Pitt.

Ang name ng model ay Nicole Poturalski, 27-year old at namataan sila ni Brad habang nagbabakasyon sa South of France.

The German model speaks five languages, is a proud mother of one, and founder ng isang organization to aid sharks.

Sa mga nakakita na kay Nicole, malaki raw ang hawig nito sa ex-wife ni Brad na si Angelina Jolie.

Nag-stay daw ang dalawa sa pag-aari ni Brad na Château Miraval, isang $67 million estate kung saan kinsal sila Brad at Angelina noong September 2014.

“They are seeing each other, they’re enjoying a vacation together. They were kissing and Brad was being super attentive to her. He was in a semi public place but didn’t seem to mind people seeing him. She’s a real beauty and obviously a lot younger than him,” ayon sa report ng Page Six.

Nakilala na rin daw ni Brad ang anak ni Nicole na si Emil.

Naging cover girl na si Nicole ng Elle, Cosmopolitan and Marie Claire. Ru­mampa na rin ito sa fashion runways of New York, Paris and Milan. Paborito siyang model ng designer na si Vivienne Westwood

vuukle comment

MARIEL RODRIGUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with