^

Pang Movies

Tunying, nagpaliwanag sa akusasyong DDS!

Gorgy Rula - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pagkatapos pumirma nina Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna at Gerry Baja sa DZRH, hindi maiwasang may comment ang iba kahit masaya naman ang ilang dati nilang kasamahan sa ABS-CBN 2.

Pero naglilitawan ang ilang kuwentong kusang umalis na ang sikat na tandem na ito sa radyo dahil sa hindi na raw maganda ang trato sa kanila ng ilang taga-ABS-CBN.

Pinagbibintangan daw silang maka-DDS.

Unfair naman daw ‘yung pagbintangan silang DDS, sabi ni Ka Tunying nang nakapanayam siya ng ka-PEP Troika kong si Noel Ferrer sa kanyang programa sa Radyo Katipunan.

Ani Ka Tunying, “Hindi kami DDS ni Gerry, unfair naman akusasyon yun!

“We recognize ‘yung mga nagagawa nila, pero kung napapanood lang ng mga tao kung paano namin upakan ang gobyernong ito sa kanilang kapalpakan, hindi nila iisipin yan.”

Pero ipinagkibit-balikat na lamang nila ‘yan, at hindi mo nga naman mapi-please ang lahat ng tao.

Siguro mas mabuting abangan na lang sila sa pagbabalik nila sa radyo na mapapakinggan at mapapanood sa DZRH simula August 31, Lunes.

Pagdating sa TV ay pursigido raw ang TV5 sa kanilang alok na magkaroon sila ng morning show. Pero wala pa muna silang kinukumpirma sa ngayon.

Hindi raw sila magti-TV sa Eagle Broadcasting ng INC dahil du’n naman daw sila nanggaling bago sila nag-ABS-CBN 2 noon.

Bawal nina Paolo at Wally, ‘di raw ginaya sa Bulaga

Tinitiyak ng bumubuo ng game show na Bawal Na Game Show ng TV5 na hindi magmumukhang Eat Bulaga ang mga palaro nila.

Kahit sa ayos nila bilang si Barby Ghorl (Paolo Ballesteros) at si Baby Ghorl (Wally Bayola), hindi ito napanood sa Eat Bulaga.

“Sa looks pa lang namin ibang-iba na. Ang lakas maka-poodle eh,” natatawang pakli ni Paolo nang nakatsikahan namin sa virtual presscon ng Bawal na Game Show at Fill in the Bank  noong nakaraang linggo.

“Of course, mahirap din na ihiwalay dahil siyempre nakikita din kami sa Eat Bulaga eh. Pero, we make sure na ang games namin na magiging fun siya, ‘yung magaan lang, tapos mananalo ka,” saad ni Paolo.

“Hindi siya sobrang serious. Siguro nagmi-meeting naman sila na hindi puwedeng magkopyahan o magkapareho,” singit naman ni Wally.

Nasilip ko naman uli ang Bawal na Game Show nu’ng nakaraang Sabado, nakikitang nag-i-enjoy na ang contestants at ibang-iba ang patawa pa rito nina Wally at Paolo.

Samantala, doon din sa virtual presscon ay maingat ang mga sagot ng executives ng Archangel Media, Inc. na sina Jojo Oconer at direk Mike Tuviera nang tinanong sila kung posible bang sila na ang mag-produce ng naudlot na programa ni Kris Aquino sa TV5.

“Open naman. We can work with a lot of people and anybody in the business… iyon naman talaga ang buhay ng independent producer eh. We have to work with everybody. So, I think that’s always a possibility.

“Wala naman kaming problema at all. We have a list of projects that we already talking to,” safe na sagot ni Jojo Oconer.

Sabi naman ni direk Mike Tuviera na kaibigan naman si Kris, “Tuluy-tuloy lang po kami. Even before the launching of the shows, we were already talking about the projects already.” 

vuukle comment

ABS-CBN

DDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with