^

Pang Movies

Tonton, sanay sa maraming babae

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Tonton, sanay sa maraming babae
Tonton

Hindi ikinakaila ng 56-year-old actor na si Tonton Gutierrez na sanay umano siyang napapaligiran ng mga babae sa kanyang buhay – mula sa kanyang lola, sa kanyang veteran actress mom na si Liza Lorena, sa kapatid niyang si Wednesday Palanca, sa misis niyang si Glydel Mercado at dalawa nilang anak na sina Aneeka at Aneeza.  Nariyan pa ang kanyang half-sibling na si Ruffa Gutierrez at mga pamangkin na sina Lorin at  Venice maging sina Janine, Jessica at Maxine sa kapatid niyang si Ramon Christopher (Monching).

Thankful si Tonton na going strong ang kanilang pagsasama ng kanyang actress wife na si Glydel turning almost 17 years at ito’y bukod pa sa kanilang six years na relasyon bilang magkasintahan.

Ayon sa actor, sa tagal ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa, wala umano silang hindi napagkakasunduan dahil pareho silang supportive at understanding sa isa’t isa.

Ang love affair nina Tonton at Glydel ay nagsimula nang sila’y magsama sa afternoon TV series ng GMA, ang Del Tierro na produced ng TAPE, Inc. (same producer ng Eat Bulaga) na ipinalabas noong 1997 at tumagal hanggang 1999.

Anim na taon silang naging magkasintahan hanggang sila’y magpakasal nu’ng March 15, 2004.

Ibinahagi sa amin ni Tonton na noong umpisa ay ayaw umano niyang mag-artista  pero dinala siya ng kanyang mom (Liza Lorena) kay Boss Vic del Rosario ng Viva Films in 1984. He was first offered ng Viva to be one of the stars ng youth-oriented movie Bagets 2 na tinampukan nina William Martinez, J.C. Bonnin, Raymond Lauchengco, Francis Magalona, Ramon Christopher, Jon Hernandez at iba na dinirek ng yumaong actor/director na si Leroy Salvador.  Pero hindi ito tinanggap ni Tonton. 

Two years later, muli siyang ipinatawag ni Boss Vic at inalok siya na maging bahagi ng Ninja Kids na dinirek ng yumaong si Paolo Santiago. Muli itong tinanggihan ni Tonton. Pero hindi sumuko ang Viva big boss na si Boss Vic.

On same year in 1986, muling ipinatawag si Tonton ni Boss Vic at inalok sa kanya ang pelikulang Sana’y Wala Nang Wakas na dinirek ni Leroy Salvador at pinagtambalan nila ng megastar na si Sharon Cuneta kasama sina Cherie Gil, Dina Bonnevie and the late Dindo Fernando. Ang nasabing pelikula ay naging malaking hit sa takilya at naging daan ng pagiging in-demand lead actor ni Tonton.

Nu’ng hindi pa sila ni Glydel, ang actress na si Maricel Laxa ang isa sa naging seryosong kasintahan ni Tonton sa showbiz. 

Naging leading man din si Tonton ni Vilma Santos sa award-winning movie na Saan Nagtatago ang Pag-ibig na dinirek ng yumaong actor-director na si Eddie Garcia.

Samantala, sa kabila ng lockdown, may ginagawa ngayong bagong TV series si Tonton sa ABS-CBN na hindi na umeere, ang Walang Hanggang Paalam kung saan tampok din na mga bituin sina Angelica Panganiban, Paulo Avelino, Arci Muñoz at iba pa.

Dyowang businessman ni Bettina, tanggap ang kanyang anak

Single mom-actress Bettina Carlos has a 10-year-old daughter na si Amanda Lucia na may palayaw na Gummy.

Since mahilig mag-bake si Bettina, nakahiligan na rin ito ng kanyang anak.

Six months pregnant pa lamang noon ang actress kay Gummy nang maghiwalay sila ng ama ng ipinagbubuntis.

Ang ama ni Bettina at dalawa niyang kapatid na lalaki ang tumayong father figure ng kanyang unica hija pero ngayon ay masaya ang actress dahil may dumating sa kanyang buhay na hindi lamang siya mahal kundi maging ang kanyang anak na itinuturing nitong sariling anak, ang businessman na si Mikki Eduardo.

vuukle comment

TONTON GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with