^

Pang Movies

Cignal, ka-partner na TV5 walang planong kunin sina Coco at Vice

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Cignal, ka-partner na TV5 walang planong kunin sina Coco at Vice
Coco at Vice

Sanib-pwersa na ang TV5 and Cignal TV na pangungunahan ni Mr. Robert Galang bilang President and CEO.

Eh andiyan pa si Mr. Perci Intalan bilang programming head, kaya asahang mas magiging palaban ang TV5.

Samantala, sinabi ng dalawang executive ng network na bukas na bukas ang pinto nila para sa lahat ng mga taga-ABS-CBN.

Kinumpirma rin ni Mr. Intalan na wala sa kanila ang problema ng programa ni Kris Aquino na Love Life with Kris kundi between Kris and the producer.

Pero sa part ng TV5, hihintayin daw nilang maging ready ang programa ni Kris.

Iba’t iba na kasing isyu ang lumalabas ngayon sa pagka-unsyami na naman ng programa ni Kris.

Itinanggi rin ng network na kinonsider nilang ipalabas ang Ang Probinsyano ni Coco Martin.

Ganundin ang tungkol kay Vice Ganda.

Anyway, sinabi rin nilang last year pa sila nagpaplanong maging activate na nagkataon namang walang franchise ang ABS-CBN sa kasalukuyan at hindi nakakapag-operate.

Anyway, tuloy ang launching ng mga bago nilang programa na karamihan ay produced ni Mr. Tony Tuviera sa August 15 at ibang mga programa na manggagaling sa Cignal. 

Tala ni Sarah may 150 million views na

Wow, umabot na 150 million views ang Tala ni Sarah Geronimo sa YouTube. “Congratulations Popstar Royalty Sarah Geronimo! The music video of Tala has now reached 150M views,” ayon sa post ng Viva Records.

So ito na nga ba ang most viewed OPM music video sa YouTube?

Betong Sumaya, sinubukang maging barbero!

Dahil balik-MECQ ang Metro Manila at ilan pang lugar, sarado ulit ang non-essential establishments.

Kaya naman ang Kapuso comedian na si Betong Sumaya, nag-do-it-yourself o ‘DIY’ na ng paggupit! Ipinakita niya sa vlog kung paano niya sinubukang maging barbero para lang maayos ang humahaba niyang buhok, “Alam ninyo ba guys, ito na yata ‘yung pinaka-matagal na hindi ako nagpagupit. Almost five months.” 

Inalala rin ni Betong ang naging experience sa Survivor Philippines kung saan itinanghal siya bilang winner dahil 36 days din daw silang walang gupit at ahit. 

Panoorin ang nakatutuwang vlog ng Bubble Gang at All-Out Sundays star sa kaniyang YouTube channel na Betong’s Amazing World.

vuukle comment

COCO MARTIN

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with