^

Pang Movies

Mga producer, nagbantang hindi sasali sa MMFF

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

May nagsasabi na magbukas man ang mga sinehan, baka hindi rin matuloy ang MMFF dahil sa banta ng mga film producer na hindi nila susundin ang pinalabas na guidelines ng FDCP (Film Development Council of the Philippines), lalo na ang muling pagrerehistro ng lahat ng kanilang mga proyekto at lahat ng mga bagay na may kinalaman doon pitong araw bago sila magsimula ng shooting.

Iginigiit ng mga film producer, sila ang mga major producers sa ilalim ng PMPPA (Philippine Motion Picture Producers Association) at ang Inter-Agency Alliance guidelines na ginawa nila ang kanilang ipapatupad.

Iginigiit naman ng FDCP ang kanilang guidelines, at kung hindi, sasampahan nila ng kaso at pagmumultahin ang mga susuway.

Kung iyon ang iiral, “wala na. Hindi kami gagawa ng pelikula,” sabi ng ilang film producers.

Kung ganoon ang mangyayari, papaano nga ba may magagawang pelikula para sa MMFF, eh ang unang apat na entries na kanilang nai-announce na ay puro gawa ng mga producer na mula sa PMPPA. Itutuloy ba ng MMFF ang festival nila kung ang sasali ay puro mga indie?

Gusto ba nilang bumagsak ulit kagaya ng nangyari sa kanila noong 2016? Na ang mga pelikula nila ay tinatanggihan ng mga sinehan sa labas ng Metro Manila?

Hindi lang sa festival. Kung magkakatigasan wala nang gagawa ng pelikula sa susunod na dalawang taon pa, hanggang umiiral ang guidelines na iyan.

May banta ang ilan na maghihintay sila kahit na abutin ng dalawang taon, at lalabas na kawawa ang mga manggagawa sa industriya ng pelikula dahil wala na ngang gustong mag-produce.

Sasabihan ba natin silang “humanap na lang kayo ng ibang trabaho”?

Sen. Sotto, pinasususpinde ang guidelines ng FDCP

Si Senate President Tito Sotto naman na isa sa mga gumawa ng batas na lumikha ng FDCP ay sumulat na sa FDCP na pinamumunuan ni Liza Diño, kay Labor Secretary Silvestre Bello at kay Health Secretary Francisco Duque, na humihiling na suspindihin ang pagpapatupad ng kanilang joint guidelines na pinalabas.

Diretsahan ding sinabi ni Tito Sen, na ang FDCP ay “walang regulatory functions”. Kung ganoon, wala silang karapatang magpatupad ng mga ganyang guidelines, na nagkaroon lang ng ngipin kasi nga isinali nila ang DOLE at ang DOH.

Mukhang nagkakagulo nga ang film industry sa ating bansa dahil sa pag-aagawan ng liderato nito.

Masyadong divisive ang ginagawang guidelines na iyan na ang dinadahilan ay ang COVID-19. Kaya nga may nagsasabi, “hintayin na lang nating lumipas ang COVID o mawala na rin sila bago natin ibalik ang industriya”, na napakasama naman para sa mga manggagawa.

Kung anu-ano na ang lumalabas dahil sa pagkawala ng trabaho ng 11 libong tao nang ipasara ang ABS-CBN, papayagan ba nating tuluyang mawalan din ng trabaho ang mahigit na 25 libong tao na umaasa sa industriya ng pelikula sa ating bansa?

Papaano nga kung ang mga kumpanya ng pelikula ay magdeklara ng closure? Sino ang papalit sa kanila? Ang maliliit na producers ng indie na umaasa sa subsidy mula sa gobyerno para matapos ang kanilang maliliit na pelikula?

Marami tayong dapat pag-isipan sa mga nangyayari ngayon sa industriya ng pelikula sa ating bansa, maliban lang kung tatanggapin na lang natin na talagang patay na ang industriya sa panahong ito.

Nakakatakot isipin, hindi lang manggagawa ng pelikula, kundi ganundin ang ibang audio visual arts na magugutom ang pamilya dahil walang mamumuhunan para gumawa ng proyekto nila.

vuukle comment

MMFF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with