^

Pang Movies

Alden at Nadine malabong kumita pag pinagtambal sa pelikula

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Alden at Nadine malabong kumita pag pinagtambal sa pelikula
Alden at Nadine

May usapan na maaari raw pagtambalin sa isang pelikula sina Alden Ri­chards at Nadine Lustre.

Kung ang inaasahan ninyo ay magiging malaking hit ang pelikulang iyan, duda kami. Noong itambal si Alden kay Kathryn Bernardo, ang init ng popularidad ni Kathryn. Bukod doon, napakalakas ng promo at advertising back up ng pelikula dahil bukas pa noon ang ABS-CBN.

Sa panahong ito, wala kang magagawang ganoon kalaking promo ng isang pelikula. Ikalawa, huhukayin mo pa sa ilog ang popularidad ni Nadine matapos ang matagal na panahong wala siyang nagawang project, naging flop ang huli niyang dalawang pelikula, at ang katotohanan na masyado siyang identified sa ka-live in niyang si James Reid.

ABS-CBN maghihintay pa ng tamang panahon

Tuwirang sinabi ni Presidente Digong sa kanyang State of the Nation Address na siya ay “biktima” ng mga Lopez noong 2016 elections. Walang duda,  natuwa ang presidente nang naipasara ang ABS-CBN na sinasabi niyang pag-aari ng oligarkiya, ang mga Lopez. Ganoon pa man, iginiit niyang hindi niya inimpluwensiyahan ang congressmen na pagkaitan ng franchise ang network. Hinikayat niyang bumoto ang mga iyon “ayon sa dikta ng kanilang konsensiya.”

Sa ganyang tono ng pananalita ng presidente, mukha ngang nagiging malabo nang mabuksan pa ang ABS-CBN sa nalalabing panahon ng kanyang panunungkulan. Bagama’t sa ngayon ay “reconciliatory” ang kilos ng ABS-CBN, na nag-alok pa ng kanilang network para magamit sa edukasyon habang imposible ang face to face classes. Kung tatanggapin ng gobyerno ang alok ng ABS-CBN, ibig sabihin makakabalik sila “on the air.” Hindi man nila maipasok ang lahat ng kanilang mga programa, at least on the air sila at mabibigyan nila ng proteksiyon ang hawak nilang frequency, na posibleng maibigay sa iba kung wala na silang franchise talaga.

Kung gagamitin naman ng gobyerno ang kanilang facilities, hindi naman ibig sabihin libre lahat iyon. Natural kailangan din ng suweldo ng mga taong magtatrabaho, maise-save din ng ABS-CBN ang ilan nilang empleyado lalo na sa engineering.

Hindi rin naman siguro iyon gagamitin ng mga educational programs nang 24 oras, kaya mailalagay pa rin nila ang kanilang mga news and entertainment prog­rams. Ang mahalaga makabalik sila on the air, tawagin man iyong ABS-CBN, o Kapamilya Network.

Hindi natin masasabi kung ano ang possibilities. Kung tatanggapin nga ng gobyerno ang alok ng ABS-CBN, balik sila on the air.

Kung hindi, kailangang maghintay ng tamang panahon. Mananatili na lang muna sila sa cable at sa internet.

vuukle comment

ALDEN RI­CHARDS

NADINE LUSTRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with