^

Pang Movies

Michael V., nag-trending, ‘pinatay’ agad

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Wala pang 24 hours nang ianunsyo ni Michael V. na positibo siya sa COVID-19, ang “pagkamatay” niya ang sumunod na balitang nangyari sa kanya.

Nawindang si Bitoy sa kumalat na balita sa Twitter na halos ikalaglag niya sa kama, huh!

Tweet ng comic genius, “Muntik akong mahulog sa kama.

“ Si (burado ang name) advance namang mag-isip. Ingat po tayo sa mga ganito.

“Gusto ko lang imulat ang mga tao sa dangers ng COVID pero ibang danger po ang ipiprisinta niyo sa pagkakalat ng mga ganito

“Netizens, kayo na po ang bahala.”

Sa post ng nagbalitang netizen, may pic si Bitoy na nilagyan ng hashtag na #RIPMichaelV.

Bumuhos ang dasal at suporta sa komedyante nang isapubliko ang pagkakaroon ng COVID.

Maging ang alumni association ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila kung saan alumnus siya at nagpahatid ng dasal sa social media account nito.

Si Bitoy ang latest showbiz personality na dinale ng virus after Iza Calzado, Sylvia Sanchez at Christopher de Leon.

Malulupit talaga ang ibang netizens!

vuukle comment

COVID-19

MICHAEL V

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with