^

Pang Movies

Talk show ni Kris, may pag-asa pa!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Talk show ni Kris, may pag-asa pa!
Kris

Ang dami namang version ng hindi pagkakatuloy ng show ni Kris Aquino sa TV5 pero ang bottomline, deferred lang pala o iuurong, pero hindi naman kanselado. Siguro nga into a big plan pa ang Channel 5 kaya hindi muna itinuloy ang launching, kaya puwedeng mas inaayos pang mabuti ang lahat ng bagay-bagay.

Basta this time, anuman ang maging plano ni Kris, sure ako na for the better, mature na siya, marami na siyang fights in life na nadaanan, win some, lose some, pero survivor pa rin siya, coming out stronger and better.

So wait lang tayo until further notice, darating din iyan. Kaunting pahinga pa, Kris, then face the challenge again. 

Mayor Abby priority din ang mga batang Makati

Ang ganda ng mga balak ni Mayor Abby Binay para sa students ng Makati.

Talagang gagawin niya ang lahat para hindi maging mahirap ang pag-iiba ng sistema ng educational system natin ngayon dahil sa pandemic.

Iyon talaga ang gusto niyang haraping mabuti dahil alam niya na malaking bagay para sa lahat ng batang Makati ang patuloy na pag-aaral kahit pa nga seryoso ang banta ni coronavirus.

Sana naman maiwasan na dahil sa kasipagan ni Mayor Abby Binay tulad ni Mayor Joy Belmonte ay tamaan din siya ni COVID-19.

Ingat ingat po, stay safe.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with