^

Pang Movies

KC lumulusot sa ginawang ‘kasalanan’

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
KC lumulusot sa ginawang �kasalanan�
KC

Kabilang sa mga inaresto sa isang resto-bar sa Makati City na lumabag sa social distan­cing rules ng General Community Quarantine (GCQ) sa Metro Manila ay ang actor-TV host na si KC Montero.

Katwiran ni KC kung bakit siya nasa naturang resto-bar ay para kumain kasama ang kanyang misis na si Stephanie Dods. Hindi raw nila alam na may nagaganap palang party doon.

“That place was open before so parang feeling ko, okay. Why were they open if they’re not allowed to open? Maybe that’s my fault, I didn’t do my research. So feeling ko, they’re allowed to be open. So I went,” sey ni KC.

Na-violate ng naturang resto-bar ang RA 11332 o ang hindi pagsunod sa social distancing ng isang public establishment. Ang naturang resto-bar ay matatagpuan sa 18th floor ng isang condominium building sa Salcedo Village, Barangay Bel-Air.

Sa isang video na ipinakita ng Makati PNP na ang nag-upload ay isang guest sa naturang bar, makikitang nag-iinuman at nagpa-party ang mga naroon. Walang mga suot na face mask at magkakadikit pa silang lahat.

Pero pinagpilitan ni KC na may social distancing sa naturang lugar.

“I think para sa mga tao na papunta diyan, I think what they thought was it was open. So you’re allowed to go. And on top of that everybody was practicing social distancing. The tables were wide apart, were far apart.”

Kasama ni KC na inaresto ay ang owner at employees ng naturang bar. Dinala sila sa isang covered court sa Barangay Guadalupe Nuevo at sasailalim silang lahat sa rapid testing.

Sa ilalim daw kasi ng government guidelines, “bars are not allowed to open in areas under GCQ. They will only be allowed to open in areas under modified general community quarantine (MGCQ) at a reduced operating capacity.”

Noong puntahan nga raw ng Makati PNP ang naturang bar, punung-puno ito ng tao na dapat ay 20 to 30 percent lang ang capacity na allowed kung isang restaurant ito.

Bianca napuri sa hindi pagiging tsismosa

Naging tahimik lang si Bianca King sa pagbubuntis noon ng kanyang kaibigan na si Sofia Andres.

Isa si Bianca sa nakaalam ng tunay na kalagayan ni Sofia nang magtungo ito sa Australia kasama ang boyfriend na si Daniel Miranda. Pero dahil bestfriend niya si Sofia, wala siyang kinuwentuhan tungkol dito.

Kaya natuwa ang maraming netizens kay Bianca dahil sa pagi­ging tapat na kaibigan nito at hindi chismosa.

Post ng isang netizen: “The more I appreciate @bianca_king. She’s real and kept the secret till @iamsofiaandres is ready to tell the world that she’s a mom.”

Reply naman ni Bianca: “Of course naman. It’s not my story to tell. I’m just here to support her. Well we were this close already before Zoe arrived. Even while we were working together 2 years ago, we were super bonded.”

Naging close sina Bianca at Sofia nang gawin nila ang teleserye na Pusong Ligaw sa ABS-CBN 2 noong 2017.

Kasama nga si Bianca sa “pregnancy journey” video ni Sofia na naka-post sa Instagram nito.

vuukle comment

KC MONTERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with