Kahit artistahin, mga anak ni Karla ‘di interesado sa showbiz
Artistahin both ang dalawang anak na babae ni Karla Estrada, sina Margaret “Magui” Planas, whose dad of course is former politician Mike Planas and Carmela Tenorio.
Both girls, though, ay walang masyadong interes na magka-showbiz career.
Mas naka-focus sila sa kani-kanilang pag-aaral, which according to Daniel Padilla, Karla’s eldest son, is what he wants na i-prioritize ng dalawa.
Dahil sa current lockdown, magkakasama sa bahay lagi ang magkakapatid, that include of course, Carlito, Karla’s second son, who is a college graduate, but would want to be a musician, like his father.
Pag-donate ng cornea ng anak ni Ali Sotto, naalala
Remember Ali Sotto, at one time, popular singer, TV and radio host, plus occasional actress?
Ali was formerly married to a Sotto, yes the Sottos, who include Senate President Tito Sotto and top comedian TV host, Vic Sotto.
In any case, big news nang mamatay sa isang aksidente ang elder of her two sons, Miko Sotto. Bigger news when Ali donated the corneas of his eyes, para i-transplant sa isang batang nangangailangan para makakitang muli.
Bakit ito pumasok sa aming mind, Salve A., is because former Seiko Films producer, Robbie Tan, has an ophthalmologist son, Dr. Reginald Robert “Reggie” Tan, na ang specialty ay ang pag-cornea transplant.
Of Miko, he was linked bago siya namatay sa ngayo’y kilalang aktres na si Angel Locsin.
Married na to a foreigner, Omar Bsaies si Ali.
Ali’s now 59 years old.
Kim babalik na sa taping
Ang pamimigay ng tulong sa jeepney drivers, ang huling pinagkaabalahan ni Kim Chiu.
Ito bukod of course, sa paghahanda niya sa muli niyang pagti-taping for her top series, Love Thy Woman, with Christopher de Leon, Eula Valdez, Sunshine Cruz, Xian Lim and Yam Concepcion, among others.
Her Bawal Lumabas song is earning her a big following, at ang followers niyang ito ang nagsisilbing malaking tulong, kung bakit naka-raise siya ng fund, para sa kanyang advocacy na makatulong sa mga driver.
Maja wala pang bagong trabaho
Na-stuck pala sa Palawan si Maja Salvador, the reason, perhaps, why sa nearly three months na lockdown, walang gaanong balita tungkol sa kanya.
Bagama’t napag-uusapan siya, dahil maganda ang impact na ibinigay ng kanyang series, The Killer Bride.
Of course, kasama ni Maja sa Palawan ang boyfriend na si Rambo Nuñez at kapatid nito.
- Latest