^

Pang Movies

Jake at Ellie ‘di na naghihiwalay

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Jake at Ellie �di na naghihiwalay
Jake at Ellie

Halos apat na buwan na ring hindi nakikita ng actress na ngayo’y island girl na si Andi Eigenmann ang kanyang panganay na anak (kay Jake Ejercito) na si Ellie dahil sa lockdown.

Si Ellie ay nasa poder at  pangangalaga ngayon ng amang si Jake at super happy ang binata ni dating Pangulo at Mayor ng Maynila na si Joseph `Erap’ Estrada dahil ito ang pinakamatagal na panahon na magkasama silang mag-ama.

Super bonding ang mag-amang Jake at Ellie at halos inseparable ang dalawa sa loob ng kanilang bahay dahil sa community quarantine.

Nagsisilbi ring teacher si Jake ng kanyang anak dahil kahit wala pang school ay meron silang teaching lessons.

Nagkahiwalay man sina Andi at Jake, they are co-parenting Ellie at hindi sila nagpapabaya sa kanilang duties as parents ng kanilang eight-year-old daughter.

Si Andi at partner nito, ang islander-surfer na si Philmar Alipayo ay naka-base ngayon sa Siargao kasama ang kanilang baby na si Lilo.

Matagal na ring adjusted sa simpleng buhay sa island si Andi at natuto na rin itong magtanim doon ng mga gulay at fruit-bearing trees.

Dahil restricted pa rin ang mga domestic flights, hindi pa rin masusundo ni Andi si Ellie sa Maynila to spend some time with them sa Siargao habang wala pa itong pasok sa school.

Anak ni Sofia, binyag na

Kung hindi pa nag-post ng Father’s Day greetings ang Kapamilya actress na si Sofia Andres para sa kanyang ama at sa dad ng kanyang baby na si Zoe last Sunday, June 2, ay hindi malalaman ng publiko na isa na pala siyang certified mom.

Isinilang ni Sofia ang kanilang first baby ng kanyang partner, ang Cebuano car race driver at estudyante (sa Australia) na si Daniel Miranda na nakilala ng aktres sa isang kilalang resto-bar sa Bonifacio Global City (BGC) in Taguig nung 2016.

Maraming common interests sina Sofia at ang kanyang boyfriend na si Daniel tulad ng car racing, adventure and travels kaya sila magkasundo.

It was in 2018 nang magsimulang mag-post ng pictures nila ni Daniel si Sofia.  February 2019 naman niya na-discover that she was pregnant and when she was already six months heavy with the baby ay saka siya sumunod kay Daniel sa Australia kung saan ito nag-aaral. Sa Australia na rin niya isinilang ang kanilang first baby na si Zoe  noong November 24, 2019.

Wala pang isang buwan si Baby Zoe nang magkakasamang bumalik ng Pilipinas sina Sofia, Daniel at Baby Zoe kaya dito na rin siya nag-spend ng Christmas at New Year. February 2020 naman nila pinabinyagan ang kanilang anak.

Bago nakilala ni Sofia ang kanyang boyfriend ngayon ay naging kasintahan niya noon sina Inigo Pascual at Diego Loyzaga.

vuukle comment

JAKE EJERCITO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with