^

Pang Movies

John Lloyd in love na uli?!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
John Lloyd in love na uli?!

In love na ba ulit si John Lloyd Cruz?

Namataan ang aktor na kasama ang kilalang motovlogger sa Cebu na si Maria Rica Cabarrubias o mas kilala bilang Jet Lee.

Kilalang-kilala si Jet Lee sa Cebu at tawag sa kanya ay TCH Princess of Cebu.

Kaya marami ang nagtatanong na netizens kung sila na ba ni John Lloyd Cruz?

Ilang beses na kasing nakitang magkasama ang dalawa sa iba’t ibang lugar sa Cebu at laman din si JLC ng social media accounts ni Jet Lee.

May mga nagsasabi naman na baka ang hilig lang nila sa motorcycles ang nagiging dahilan kung bakit laging nakikitang magkasama sina JLC at Jet Lee.

Matagal na kasing hiwalay si JLC sa ina ng kanyang anak na si Ellen Adarna. Sa mga recent post ni Ellen on social media, naka-move on na ito dahil may bago na itong boylet.

Kaya libre na si JLC na makipag-date sa kung sinong babae na gusto niya. Heto ang comments ng ilang kinilig na netizens kina JLC at Jet Lee:

“My gani hilig motor si idol jet lee... mGCQ ni.. di ni lockdown.. bagay.. sana all...”

“may nanalo na”

“Iba ka talaga lodi”

“Sobrang bagay lodicakes ahwhahwhah gwapo ni janloyd”

Pia klinaro ang gap nila ni Bea, gustong makipag-reconnect sa dating karibal

Wish ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na nagkaroon siya ng reconnection sa kanyang nakasabay sa showbiz na si Bea Alonzo.

Sabay ngang naging artista sina Pia at Bea noong 2002 sa pamamagitan ng Star Magic at nagkasama sila sa show na K2BU. Gamit na name ni Pia ay Pia Romero.

Hindi naging successful sa pagiging artista si Pia, ‘di tulad ni Bea na naging box-office star at nanalo ng acting awards. Pero nagdala ng honor si Pia sa bansa nang makoronahan ito bilang ikatlong Miss Universe ng Pilipinas.

Sinagot ni Pia ang tanong kung nagkaroon ba sila ng gap ni Bea noon? “Merong parang impression ‘yung mga tao that I was jealous, parang galit ako sa kanya. Pero, hindi. Hindi. Honestly, ha. Ang tagal na rin, at wala na akong dahilan para mambola pa. Magaling talaga siya. Hindi ko kaya ‘yun. Iyon ‘yung galing niya.”

Na-link pa noon si Pia sa ex-boyfriend ni Bea na si Gerald Anderson nang gawin nila ang pelikulang The Perfect You. Balitang in-unfollow ni Bea si Pia sa Instagram.

Ilang beses na raw gustong lapitan ni Pia si Bea pero nag-aalangan ito. “I saw her at the Star Magic Ball very briefly, but I didn’t get to come close and say hi to her. I would like say hi and speak with her and reconnect again, if she’s up for it.”

vuukle comment

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with