^

Pang Movies

Mayor Vico Vic na Vic ang hitsura

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Ang cute ni Mayor Vico Sotto na bata pa lang ay talagang kamukha na ni Vic at Oyo­boy Sotto sa inilabas ni Coney Reyes na photos ni Vico noong bata pa siya.

Ngayon ay isa siya sa pinupuring mayor dahil sa ipinakita niyang husay sa panahon ng pandemic, at kahit batang-bata pa ay achiever na at mukhang handa na sa mas mataas ng puwesto kung sakali.

Ang ganda ng pagpapalaki sa kanya ni Coney at masasabi mo na ang pagiging God-fearing ni Mayor Vico ang naging gabay niya sa pamamahala sa Pasig.

Talagang proud parents ng batang mayor sina Coney at Vic na kahit pa nga hiwalay habang siya ay lumalaki, hindi naging hadlang para maabot niya at marating ang kinalalagyan niya ngayon.

Suwerte ang babaeng mamahalin niya dahil mukhang napaka-marespeto at mapagmahal niya.

Thank you...

Ang babait talaga ng viewers natin sa Take It… Per Minute Me Ganu’n, Salve.

May nag-alok agad sa atin ng glass partition, ang mag-asawang Alvin at Filipina Magtalas na kaibigan ni Cristy Fermin para maging safe ang physical distancing natin kapag nagla-live show tayo.

Ang mga nanonood na biglang nagiging friends natin, talagang very touching. Imagine, out of the blue, tumatawag si Filipina Magtalas kay Cristy para magbigay ng partition, grabe ang concern ‘di ba!

From us, Cristy, Mr. Fu at ng buong TIPMMG, lagi kayong nasa puso namin at hindi namin malilimutan ang pamilya Magtalas, promise.

We love you, salamat.

Mga taga-showbiz bawas na lahat ang kita

Kung patungong online ang almost 70% ng show at publications, does it mean na less manpower na ang kailangan? Or ganoon pa rin ba ang workforce, pero iba lang ang platforms? Pag ba online ay mababawasan ang tao at babawasan din ang talent fee?

Kung iyon ang magiging new method ng entertainment, does it mean na downgraded na ang kita ng lahat? Ang malalaking talent fee ay bawas na, ang ibang trabaho ay buburahin na rin?

I cannot imagine na darating ang panahon sa ganoong punto ang entertainment at writing industry. Wala pa namang security masyado ang nasa showbiz dahil marami ang walang SSS, PhilHealth o PAG-IBIG, kaya pag tinamaan ng disgrasya, usually talagang nganga, maliban doon sa regular employees ng publication o ng TV networks.

Pero one thing is for sure, madali ding maka-bounce back ang mga taga-showbiz, agad nakakakita ng bagong horizon. Fighting!! 

vuukle comment

VICO SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with