^

Pang Movies

Megan susubukang manalo sa gaming competition para sa mga may HIV positive

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Lalaban sa isang digital gaming competition ang dating Miss World at aktres na si Megan Young. Iyong kikitain naman noon mula sa sponsors ng kompetisyon ay ibibigay diumano sa isang foundation na tumutulong sa testing, prevention at nagbibigay ng ayuda sa mga HIV positive sa ating bansa.

At least, naiba naman, dahil lahat sila puro COVID na, samantalagang sa totoo lang marami rin ang namamatay dahil sa HIV infection. Marami nga rin ang nadadale ngayon ng dengue, lalo na’t tag-ulan na naman. At least, ang ginagawang paglalaro ni Megan, may katuturan.

Kongreso, mahaba pa ang oras sa franchise ng ABS-CBN

Sa July 13 pa pala talaga mapag-uusapan nang husto ng Korte Suprema ang petisyon ng ABS-CBN na payagan silang makapagbukas na muli. Pero may balita ring ibinasura na ng Korte Suprema ang isa pang kagayang petisyon na iniharap ng isang abogado, dahil nga sa kakulangan ng legal basis. Sinasabi ng Korte Suprema na ang makapaghaharap lamang ng petition for certiorari, prohibition and mandamus, ay iyon lamang concerned party. Hindi maaaring may ibang magharap niyan na hindi naman concerned sa kaso.

Ibig sabihin, mahaba pa ang panahon ng mababang kapulungan ng Kongreso para mapag-usapan ang franchise ng ABS-CBN, dahil ang petisyon nga sa Korte Suprema na posibleng makaapekto sa kanilang magiging desisyon para sa franchise ay matagal pa rin naman. Kung sakali mang paboran ng desisyon ng Korte Suprema ang kahilingan ng ABS-CBN, hindi iyon nangangahulugan ng extention ng kanilang franchise, at ang iiral lamang ay maaari silang magpatuloy sa ilalim ng isang presumed unexpired franchise ng 60 araw pagkaraang alisin ng gobyerno ang lahat ng quarantine.

Pagkatapos noon, balik na naman sila sa pag-hingi ng franchise. Suwerte sila kung bago matapos ang quarantine, mabigyan na rin sila ng franchise ng Kongreso, ibig sabihin tuluy-tuloy na sila.

Iyan namang paglilipat ng ABS-CBN sa cable, nagkaroon sila ng karapatang legal dahil sa isang executive order ni dating Presidente Cory Aquino. Iyan ang dapat pag-aralan ng Kongreso, kasi magagamit pala iyan sa ganyang purpose kaya dapat ibasura na ang EO, o kaya ay amyendahan ang batas para ang mga network na walang franchise ay mapatigil. Kung hindi, ang gagawin nila, lilipat lang sila sa cable.

Kami, wala naman kaming reklamo riyan maliban na nga lamang doon sa lumalabas na sinisingil kami ng kanilang cable company, ang Sky Cable, ng mga serbisyong wala naman kami.

Mark soon to be stage daddy

Excited na ang newscaster na si Mark Zambrano dahil malapit nang manganak ang kanyang misis na si Aicelle Santos. Ang sinasabi pa nga niya, siya raw ay “soon to be a stage daddy.”

Actually, napakaganda rin ng love story niyang sina Mark at Aicelle. Talagang pormal na ligawan iyan na nagsimula pa noong pareho pa silang nasa GMA 7. Sinundan ni Mark si Aicelle hanggang sa abroad, tapos noong ready na sila, nagpakasal na nga.

Ngayon mas malaki na ang kanilang pinaghahandaan, ang pagdating ng kanilang unang baby.

Wala pa naman silang sinabi kung boy o girl ang kanilang magiging baby, pero ano man ang dumating sa kanila, excited na ang mag-asawa ngayon pa lang.

Tiyak namang magiging maganda ang kinabukasan ng mga magiging anak ng mag-asawang iyan, dahil pareho naman silang marunong sa buhay.

vuukle comment

MEGAN YOUNG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with