^

Pang Movies

Break up ng JaDine kumpirmadong, scripted lang?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Break up ng JaDine kumpirmadong, scripted lang?!
JaDine

Ano? Talaga bang naniwala kayo sa pralala months ago na nag-split nga sina James Reid at Nadine Lustre? Kahit noon hindi kami naniwala na nag-split sila. Ang tingin namin magka-split sila, at iyon ay ginawa bilang isang career move.

Noong panahong split sila, ilang beses silang nakitang magkasama kung saan-saan, lalo na sa mga bar sa Makati? Hindi ba iyon din ang panahong kumalas si Nadine sa Viva, at hindi man aminin ay sumama siya sa Reid Entertainment ng tatay ni James, dahil nakikita pa sila ng tatay ni James na magkasama.

Huwag na iyang nahuli pang iisa ang background ng picture. Noong May 4, nakita silang dalawa na magkasama sa Philippine Arena habang nagse-set up ng mga tent para sa exhibit ng International Sanitation and Protection Suppliers. Iyong kanilang picture na magkasama ay inilabas naman ng mga organizer ng event sa social media. Papaano mo ikakaila na sila nga ay magkasama?

Career move iyan eh, kasi noon alam na ng mga tao na magka-live in sila, eh papaano pa nga naman tatanggapin si James kung itatambal nga doon sa Nancy McDonie, na nagalit pa nang magkaroon tayo ng quarantine dahil hindi nga natuloy ang project? Nakita rin naman nila ang epekto kay Nadine. Nang itambal sa iba, dalawang sunod na flop siya sa pelikula. Kaya kailangan magkahiwalay muna sila kunwari sa isa’t isa, pero nagkalayo ba?

Susmaryosep, panahon pa ni Nora Aunor at Tirso Cruz III ay nagkaroon na ng ganyang palabas, maniniwala pa ba naman kami diyan sa palabas ng JaDine? Dumating na kasi sila doon sa punto na hindi na maikakailang naiwanan na sila ng popularidad ng KathNiel. Tapos may panahon pang masyadong uminit ang AlDub. Pumasok pa ang LizQuen, kaya medyo tumagilid ang JaDine. Nag-split sila na kunwari wala muna, dahil nakita nila hindi maganda ang epekto ng “live in” admission nila.

Pelikula ng KathNiel mahirap na uling kumita ng milyun-milyon

Ito namang KathNiel, aba eh walong taon na rin naman pala, at ngayon inaamin ni Daniel Padilla na napakahirap i-maintain ng kanilang love team.

Naniniwala kami riyan, kasi ang love team nila ay gumawa ng box office history, at kumita sila nang halos isang bilyon. Kaya ang inaasahan ng mga tao, kung magsasama silang muli sa isang pelikula ay mapantayan nila kung hindi man malampasan pa ang kinita ng pelikulang iyon. Mahirap talaga iyan lalo na sa panahong ito na makagawa man sila ng pelikula, magbukas man ang mga sinehan, ang mga tao naman ay walang pera dahil bagsak ang ekonomiya.

Iyan ang malungkot na sitwasyon ng industriya ng pelikula sa ating bansa, at walang magagawa kahit na sino sa gobyerno na nag-iisip na napakagaling nila, para solusyonan iyan. Mga artista at producers ang dapat na magtulungan.

vuukle comment

JAMES REID

NADINE LUSTRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with