^

Pang Movies

Angel magpapasubasta na naman ng kotse!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Angel magpapasubasta na naman ng kotse!
Angel

Pinasilip na ng Shop & Share sa Instagram ang unang batch ng items na ipasusubasta para makalikom ng pondo para sa COVID-19 testing sa bansa.

Ang Shop & Share ay ang sinimulang campaign ni Angel Locsin kung saan magdu-donate ang mga kilalang celebrities ng pre-loved items nila.

Ang ilan sa unang ipasusubasta ay ang SUV ni Angel, luxury bags ni Anne Curtis, at ilan sa designer items nina Liza Soberano at Vice Ganda. Makikita ang mga ito sa IG ng proyekto.

Wala pang official date kung kailan gaganapin ang opisyal na launching ng auction.

Unang ni-launch ang campaign noong 2009 para sa biktima ng bagyong Ondoy.  Ngayong taon ay ni-revive ito ni Angel kasama sina Bea Alonzo at Dimples Romana.

Ang unang campaign ni Angel para makatulong ngayong pandemic ay ang UniTENTWeStandPH kung saan nagpatayo siya ng isolated tents sa ilang hospital sa bansa.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with