^

Pang Movies

Lea nagbawas ng followers!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Lea nagbawas ng followers!

Ang post ni Lea Salonga na “My timeline is filled with red, green and blue. #InTheServiceOfTheFilipino” at sinundan ng “By the way, if you support this shutdown, unfriend/unfollow me now, on Facebook and in life.”

Ang tinutukoy ni Lea na “shutdown” ay ang pagsasara ng ABS-CBN at curious kaming malaman kung ilan ang nag-unfollow/unfriend kay Lea sa pakiusap niyang ito sa mga kaibigan at kasama sa trabaho. Kapag nagbukas kaya uli ang ABS-CBN, puwede uling i-follow si Lea?

Paolo pinatulan ang pang-aasar ng Kapamilya fan

Pinagbigyan ni Paolo Contis ang request ng isang Kapamilya fan na magsuot ng name tag ang Kapuso stars na kasama ni Paolo sa isang vlog dahil hindi raw niya kilala ang Kapuso stars na kasama ni Paolo sa frame.

Bago magtapos ang vlog, nagsuot ng name tag si Paolo kung saan, nakasulat ang kanyang pangalan at saka nag-dialogue na masunurin siya sa request, kaya may name tag siyang nakahanda.

Nang-iinis lang siguro ang Kapamilya fan dahil parang hindi totoo na hindi niya kilala ang mga kasama ni Paolo sa frame na kinabibilangan nina Michael V, Carmina Villarroel, Aiko Melendez at Pops Fernandez na lumalabas at napapanood din sa shows ng ABS-CBN.

Yassi, birthday wish na makabalik sa normal

Naging emotional si Yassi Pressman sa 25th birthday niya last May 11 dahil wala na ang ama. “First one without you, i’m 25 today Papa! Gonna promise to be the best that i can be!!! Just like you taught me! I’m a big girl now!

“Promise to take care of this one (her sister, Issa Pressman) and every person that i love and everyone who shows me love!”

Ang birthday wish ni Yassi ay mawala na ang Covid-19 at mabalik na sa normal ang lahat.

vuukle comment

LEA SALONGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with