^

Pang Movies

Roderick, Vice, Paolo pinagpipilian sa Huling Birheng Bakla

Gorgy Rula - Pang-masa
Roderick, Vice, Paolo pinagpipilian sa Huling Birheng Bakla

MANILA, Philippines — Dahil na rin sa ECQ, nakabuo na pala ng script si direk Joel Lamangan na gusto niyang isapelikula pagkatapos nitong pinagdaanan natin.

Nakapagsulat siya ng kuwentong Ang Huling Birheng Bakla sa Balat-Lupa. Bagay daw itong pagbidahan ni Roderick Paulate bilang pumayag naman siya sa bading role sa That’s My Bae nina Ken Chan at Rita Daniela.

Pero may mga nag-suggest ding bakit hindi na raw sina Vice Ganda o Paolo Ballesteros.

Okay naman daw siya, depende sa kung sino ang tatanggap ng proyektong ito.

May producer na rin si Direk Joel, baka gagawin ng Cineko Productions, pero depende pa raw kung maayos na itong bagong normal natin pagkatapos ng Enhanced Community Quarantine.

Kung mahirap mag-shoot dito sa Maynila, mas bagay naman daw sa mga probinsya na maluwag at walang ECQ o General Community Quarantine.

Samantala, may ilang producers pala na naghahanda na ring mag-submit sa June ng script para sa MMFF sa December.

Sabi ni direk Joel, hindi raw alam kung meron nga bang submission sa June, at kung pipili nga ba sila ng mga bagong entries para sa pam-Pasko na MMFF.

Kung ganun na nga ang mangyayari, paano na ngayon ang mga entries sa ‘di natuloy na Summer Metro Manila Film Festival?

Extend the love, naka-P160k

Napag-alamang umabot ng halos 160 thousand pesos ang nalikom na cash donations ng Extend The Love initiative mula streaming ng tatlong pelikula ni Direk Adolf Alix Jr. (4 Days, Kinabukasan at Porno) at sa unang live session ng Actors’ Cue series noong Mayo 1, Biyernes na tinampukan nina Gina Alajar, Sandy Andolong, Jaclyn Jose, Elizabeth Oropesa at Lorna Tolentino.

Maganda ang balitaktakan ng mga bigating aktres na ito at may mga pasabog pa silang kuwento na na-pick up tuloy ng ilang reporters. 

Ang nalikom na donasyon ay para sa mga maliliit na filmworkers na nawalan ng trabaho sa panahon ng Enhanced Community Quarantine.

Kagabi naman ay mga batikang aktor ang nag-uusap na bahagi pa rin ng Extend the Love project ni direk Adolf.

Sina Raymond Bagatsing, Nonie Buencamino, Ricky Davao, Alan Paule at Bembol Roco ang nagdiskusyon sa second session ng Actors’ Cue.

Bukas naman ay sina Piolo Pascual kasama ang ilan pang Asian actors na sina Ananda Everingham, Nicholas Saputra, at Rhydian Vaughn. Lahat ng malilikom na donasyon ay para sa mga displaced filmworkers.

Curious lang ako kung paano ang sistema nitong pamimigay ng tulong sa mga displaced film and TV workers dahil marami na ring mga ganitong projects na nakalikom ng donasyon, kagaya ng Gabi ng Himala at marami pa.       

May partisipasyon kaya rito ang Film Development Council of the Philippines? Hindi ba puwedeng i-collaborate ito sa DEAR Project ni Ms. Liza Diño-Seguerra?

vuukle comment

JOEL LAMANGAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with