Agot honored na ginawang Palito ng DDS!
Pinaglaruan ang lumang picture ni Agot Isidro nang gawan ito ng sketch kaya pinagmukha siyang kahawig ng yumaong komedyante na si Palito.
Sa mga hindi nakakaalala, payat na komedyante si Palito na isinunod ang pangalan sa palito ng posporo na payat.
“Dear DDS,
“If you think I am offended by this, I am not. Palito is a legend. I am quite honored actually. So thank you for this.
“But please, take your pea-brains out of my TL (timeline), because I am blocking you.
“My TL, my rules,” reaksyong tweet ni Agot.
Robi pinaulanan ng papuri si Maine
Sumabak sa The Maine Mendoza Challenge ng MYX si Maine Mendoza. Sumaludo sa kanya si Robi Domingo na isa rin sa VJs ng music show.
Ibinahagi ng fans ni Meng na ang video ni Robi na positibong humanga sa Eat Buaga Dabarkad.
“She did not disappoint us. She’s so game. She’s so funny. She’s so intelligent.
“Maine, if you’re watching, ang galing mo. The best ka!” bahagi ng pahayag ni Robi.
Second time ni Maine maging guest VJ sa MYX at ang single niyang Parang Kailan Lang ay number one music video sa music program.
- Latest