^

Pang Movies

Robin pumalag sa Mayor na ayaw ipalibing ang mga Muslim na namatay sa virus

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Robin pumalag sa Mayor na ayaw ipalibing ang mga Muslim na namatay sa virus

Umalma si Robin Padilla sa ginawang pagtanggi diumano ng isang Mayor na ilibing sa kanyang nasasakupan ang dalawang Muslim Filipinos na namatay dahil sa coronavirus.

It was reported na pinagpapaliwanag ng DILG (Department of the Interior and Local Government) ang Mayor ng Montalban na si Dennis Hernandez kung bakit ito tumanggi na ilibing sa nasabing bayan ang dalawang Muslim Filipinos who died of COVID-19.

Of course, bilang isa ring Muslim, mariing kinondena ni Robin ang nasabing aksyon at nagbigay ng babala. Minsan na akong nagbabala dito sa post ko pati na rin sa mga kaibigan ko na nakaposisyon sa gobyerno patungkol sa mga mayor na sinasagasaan ang pananampalatayang Islam.

Ang ganitong pagtrato sa amin ay labag sa CONSTITUTION ng Pilipinas at sinasabi rin ng direktiba ng DILG ngayon lockdown na maaaring mag­libing ang mga muslim ng kanilang patay sanhi ng covid 19,” pahayag ni Binoe sa kanyang post.

Malinaw na pinag iinitan ng mayor na ito ang mga muslim sa oras na ang bansa ay nakapaloob sa isang digmaan na dapat tayo ay nagrerespetuhan,” dagdag pa niya.

Ayon pa kay Binoe, ang turing nila sa mga kapatid na Muslim na namatay dahil sa COVID ay mga martir.” Iinuulit ko ang tingin naming mga muslim at trato sa kapatid na namatay sa covid 19 ay MARTYR/SAHEED Beware that Allah the Almighty has not given plague the name of mercy so that the one who dies from it be considered a martyr” NAPAKATAAS ng aming pagmamahal sa kapatid na martyr at ang lahat ng mga muslim ay handang magsakripisyo ng kanyang ari arian at buhay para ipagtanggol ang kanyang pananampalataya kayat kung ang mga nasa pinakamataas ng posisyon sa gobyerno ay hindi na sinusunod ng mayor na ito lalo sa oras na ito isa lang ang pupuntahan ng ganap na ito,” saad ni Binoe.

vuukle comment

ROBIN PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with