^

Pang Movies

Andrea gusto nang makita si Seth...

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Andrea gusto nang makita si Seth...

Nami-miss na ni Andrea Brillantes ang ka-loveteam na si Seth Fedelin since hindi nga sila nagkikita ngayon because of the enhanded community quarantine.

Nag-post si Andrea ng larawan nila ni Seth at sa caption, she wrote, “miss ko na kayong lahat, lalo na tong isa. stay safe guys, lilipas din to.”

Siyempre, kinilig ang mga SethDrea fans at sey nga nila, miss na rin nila ang kanilang idolo.

Dahil sa success ng loveteam nila ni Seth na nagsimula sa Kadenang Ginto, may follow-up teleserye na ulit na sisimulan ang dalawa na sa ngayon ay hindi pa masabi kung kailan dahil nga sa health crisis na dina­danas ng bansa.

Malapit na ring matapos ang dream house na ipinapagawa ni Andrea at looking forward na ang aktres sa araw na dito na sila nakatira.

Kim gusto na sanang magtrabaho

Si Kim Chiu naman ay nami-miss na rin niya ang work at mga kaibigan from the industry.

Post niya sa kanyang Instagram Story, “I miss work. I miss being productive. I miss my friends who I fortunately get to work with as well. Huhuhu.”

Pero kahapon ay nag-guest siya sa Magandang Buhay siya via video call kaya pahit paano ay nakapag-work naman siya kahit nasa bahay.

Active naman sa social media si Chinita Princess at panay ang post ng kanyang mga ginagawa sa bahay. Araw-araw ay pino-post niya ang kanyang  exercises na ginagawa. Paborito nga niya ay jumping rope.

Ipino-post din niya ang mga Face Time niya with boyfriend, Xian Lim, gayundin sa ibang mga kaibigan. “Mahirap. . .pero mas tripling hirap yung ginagawa ng mga frontliners,” post niya.

Busy rin si Kim sa TikTok ngayon at nakaaaliw ang mga videos niya. May isang entry siya na nagi-Intsik habang nagagalit sa coronavirus since sa China naman daw nanggaling ang nasabing virus.

Nasa ikalawang-linggo na tayo ng “enhanced community quarantine” kaya hindi kataka-takang naiinip na ang mga tao, isama pa rito ang pagkaalarma sa parami nang paraming bilang ng mga natatamaan ng CoVid-19.

Dalangin ng lahat na sana ay matapos na ang health crisis na ito.

JM balik-ipaglaban

Muling ibinabalik ng Ipaglaban Mo ang ilan sa mga best episodes ng programa at kabilang na rito ang Impostor na mapapanood ngayong Sabado, March 28.

Ang Impostor ay pinagbibidahan nina Rafael Rosel at JM de Guzman na kwento ng magkapatid na pareho ng identity. Mula ito sa direksyon ni Myla Ajero-Gaite. 

vuukle comment

ANDREA BRILLANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with