^

Pang Movies

Carla nag-uwi ng dalawang askal

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Carla nag-uwi ng dalawang askal

Advocate ng animal rights si Carla Abellana at bilang pet owner, ramdam din niya ang emotions ng mga hayop, lalo na ang mga alaga niyang aso.

Noong pumanaw ang pet dog niyang Corgi na si Sunny noong 2018, naiwan daw na mag-isa na lang ang isa pa niyang pet dog na si Patches na isang Jack Russel.

Napapansin daw ni Carla na parating malungkot at wala sa sarili si Patches. Yung dating masigla at masaya niyang alaga ay bigla na lang nalungkot dahil nawalan na ito ng kalaro at kapatid.

Dahil nadudurog daw ang puso ni Carla na nakikita niya ang kanyang aso na malungkot, gumawa ng paraan ang aktres na mag-ampon ng dalawang pet dog para maging happy ulit si Patches.

Sa kanyang YouTube vlog, kinuwento ni Carla ang pag-adopt niya sa dalawang Aspin or Asong Pinoy. Pinangalanan niya itong Wing and Fly na galing sa pangangalaga ng PAWS o Philippine Animal Welfare Society.

Noong mauwi na raw niya sina Wing and Fly, medyo mahiyain pa raw sila pero hindi nagtagal ay lumabas ang pagiging playful nila at sumigla na agad ang alaga niyang si Patches dahil may mga bagong kalaro na ito.

Melissa Ricks nagkaroon ng depression sa hindi pagpayat

Hindi tinago ng aktres na si Melissa Ricks ang struggle niya na mabawasan ang kanyang timbang. Pagkatapos niyang manganak noong 2015, nahirapan daw siyang magpapayat kaya may time na na-depress ito at ayaw na nitong lumabas ng bahay.

Naging dahilan din ang pagtaba ni Melissa kaya tumanggi ito na lumabas sa mga TV show noon. Nakuntento na itong gumawa ng mga mommy vlogs sa YouTube.

Ngayon ay unti-unti na ngang nababawasan ang timbang ni Melissa kaya lumalabas na siya sa isang teleserye.

Ito ang post ni Melissa via Instagram tungkol sa kanyang weight-loss journey: “Sometimes we forget to appreciate how far we have come.. I always feel that my progress is slow, but you know what, slowly but surely. Sometimes I fall off track but I try again. Self love is tricky sometimes, its struggle, its a process, its a journey.”

Parasite gagawan na ng limited series sa HBO

One month after na mapanalunan ng South Korean film na Parasite ang Best Picture sa Oscars 2020, patuloy pa rin itong gumagawa ng box-office history bilang “highest-grossing foreign language film” na may worldwide total na $257.3 million.

In the US and Canada, nag-gross ito ng $52.2 million as of March 5, 2020. In South Korea, nag-gross ito ng $72.2 million.

Ang latest ay sa United Kingdom kung saan tinalo na ng Parasite ang record na naitala ng 2004 film na The Passion of the Christ with a total gross of $14.3 million as of March 6.

Nasa planning stage na ng HBO na gawing limited series ang Parasite at uupo bilang executive producer ang director nitong si Bong Joon-ho together with Adam McKay.

Wala pang final cast, pero nabanggit na ang names nila Mark Ruffalo at Oscar winner Tilda Swinton.

vuukle comment

CARLA ABELLANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with