^

Pang Movies

Cristine hindi natanggap ng personal ang best actress award

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Cristine hindi natanggap ng personal ang best actress award
Cristine

Ang bongga ni Cristine Reyes dahil siya ang nanalong best actress sa 40th Fantasporto Awards Night.

Nanalo si Cristine bilang best actress para sa pelikula nila ni Xian Lim, ang Untrue ng Viva Films.

Wala sa nasabing event si Cristine na nanalo sa The International Jury of the Fantasy Section ng katatapos lang na film festival sa Porto, Portugal.

Ang bongga!

IBC-13 inaayos na

Inaayos na raw ang pagpa-privatize sa IBC-13.

Ang nasabing TV network ay sequestered ng gobyerno.

Malamang daw na sa SONA (State Of The Nation Address) ni President Rodrigo Duterte ay i-announce na na magkakaroon ng bidding para sa mga interesadong bumili ng Trese.

Magkaroon kaya ng interes dito ang mga sinasabing may interes na mapunta sa kanila ang franchise ng Channel 2 na hawak ngayon ng mga Lopez?

Kung matatandaan, napakalakas ng nasabing TV network noong 80’s.

Si Kat de Castro ang namamahala ngayon sa IBC-13.

Franchise renewal ng ABS-CBN topic kahit saan

Ang ABS-CBN franchise renewal ang topic ngayong umaga sa Pandesal Forum ng Kamuning Bakery ng businessman na si Wilson Lee Flores.

Speaker sa event na ito si Ms. Neng Juliano na chairwoman ng Federation of International Cable Television and Telecommunications Association of the Philippines.

Isa sa mga tatalakayin daw ay ang press freedom, kung under attack ba ito o hindi dahil nahihirapan nga sa kanilang franchise renewal ang Kapamilya network.

Maja makaka-attend na sa kasal nina Richard at Sarah dahil sa COVID-19

Dapat pala ay isa sa bridesmaids ni Sarah Lahbati sa kasal nila ni Richard Gutierrez sa Saturday ang kaibigang si Maja Salvador, pero may show abroad ang girlfriend ni Rambo Nuñez, kaya nag-decline siya.

Pero dahil nga sa worldwide health problem dahil sa COVID-19, hindi tuloy ang show niya abroad, kaya makaka-attend na siya sa kasal nina Richard at Sarah.

Hindi na nga lang daw isa sa mga bridesmaids si Maja.

“Sayang nga, eh. Pero nasa bachelorette ko siya sa Siargao. She’s so nice!” sey ni Sarah nang magkatsikahan kami kahapon.

Big event ang Richard-Sarah wedding, kaya magiging mahigpit ang security!

‘Yun na!

vuukle comment

CRISTINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with