^

Pang Movies

Mga Pinoy sa abroad apektado rin sa franchise renewal

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Naaliw ako sa isang friend ko na taga-London, United Kingdom.

Dahil wala pa ngang kasiguraduhan ang franchise renewal ng ABS-CBN, worried sila kung ano na ang mangyayari sa kanilang TFC (The Filipino Channel) subscriptions.

May isa pa akong kakilala na taga-Vienna, Austria na nagsabing tinawagan siya ng agent ng TFC para sa renewal niya ng subscriptions, pero hindi raw muna siya nag-renew dahil gusto muna niyang makasigurado na mari-renew ng kongreso ang franchise ng Kapamilya network.

O, ‘di ba at worldwide concern ng mga Pinoy ang tungkol sa problema ng ABS-CBN sa kanilang franchise renewal, huh!

Naaliw pa nga ako sa isang comment na kung hindi raw mari-renew ang franchise ng Dos, paano na raw ang Love Thy Woman at kasisimula pa lang ng afternoon series na pinangungunahan nina Kim Chiu at Xian Lim.

Pops at Martin generous

Alam mo, Ateng Salve, touched ako sa original Concert Queen na si Pops Fernandez!

Ako kasi ang humawak ng publicity and promotions ng Two-gether Again concert series nila ni Martin Nievera sa The Theater at Solaire, pero hindi ako nakapanood dahil nagbakasyon ako abroad.

Noong matapos ang seven-night concert nila, nag-message sa akin si Pops na sobra ko ngang ikinatuwa.

“Jun Lalin we missed you in this series!!!!!!!!! You weren’t able to watch... but from the bottom of my heart, i am so grateful for all the love and the support.... love you!!!!!! You are always the start of every project... and henceforth... the success happens... thank you so much!”

O, ‘di ba, talagang touched ako sa message ni Pops, huh.

Teary-eyed talaga ako!

Actually, like Pops, sobra ring mag-appreciate si Martin sa mga naitutulong ko kapag may show siya.

Actually, noong birthday ko last year, nag-effort pa siya na i-treat ako ng dinner.

One time naman, nagulat na lang ako nang bigyan ako ng earpods ng Concert King.

Bagong labas pa lang ang earpods na ‘yon at isa raw ako sa mga naalala niyang bilhan dahil alam niyang magagamit ko ‘yon. Actually, dahil bigay ‘yon ni Martin, ingat na ingat ako at kapag nagkikita nga kami ni Martin, ipinakikita ko sa kanya na gamit-gamit ko ang iniregalo niya.

Actually, parehong sobrang generous ng ex-couple!

At ang maganda sa kanila, pareho rin silang very thoughtful sa mga taong nagmamahal sa kanila!

Lovi walang reklamo sa jetlag

Ratsada ngayon si Lovi Poe sa promotions ng Hindi Tayo Pwede ng Viva Films.

Showing na kasi ang pelikula sa March 4 at kahit more than a week na nag-stay sa Los Angeles, California si Lovi kasama ang boyfriend na si Montgomery Blencowe na isang Hollywood producer, wala siyang complaint tungkol sa jet lag.

Basta kapag may promo, go lang si Lovi.

Sabi nga pala ng dalaga, masaya siya sa magandang feedback sa trailer ng Hindi Tayo Pwede kung saan ay dalawa ang leading men niya, sina Tony Labrusca at Marco Gumabao.

vuukle comment

PINOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with