^

Pang Movies

Aktor gwardyado ang GF sa abroad!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Tumatanggi na sa trabaho

Matagal na naming hindi napapanood ang isang aktor sa mga show ng network na mayroon siyang exclusive contract. Akala namin, nakakalimutan lang siyang bigyan ng project ng kanyang network, kaya nagtanung-tanong kami kung bakit hindi nabibigyan ng project ang aktor.

Ayun, nalaman din namin ang dahilan na ang aktor mismo ang ayaw ng project. Matagal ng nasa ibang bansa ang aktor, kaya tinext siya para payuhang bumalik na ng Pilipinas dahil may gagawin siyang project. Naloka ang nag-text sa aktor sa sagot nitong “I’m not doing any project right now.”

O, hindi ba ang taray ng sagot ng aktor? But at least, nagsabi ng totoo na ayaw muna niyang gumawa ng project at hindi na siya kinulit ng nag-text sa kanya, lalo at alam nila kung bakit ayaw bumalik ng Pilipinas ang aktor.

Busy siya sa love life niya nga­yon, busy sa bagong GF na foreigner at baka nga naman kapag umuwi siya ay hiwalayan siya ng GF at palitan ng iba. Kaya kung walang show ang aktor, hindi kasalanan ng network, kasalanan ng aktor dahil mas inuna ang kanyang love life kesa career.

Ex-hubby ni Cristine dedma sa kanyang birthday

Birthday ni Cristine Reyes noong February 5, she’s 31 years old at happy being a single mom to her daughter Amarah. Sa February 19, showing ang movie nina Cristine at Xian Lim na Untrue at puwede naman sigurong sabihin at papayag ang Viva Films na birthday presentation ni Cristine ang nasabing pelikula.

For her birthday, message si Ara Mina sa kapatid: “Happy Birthday to my beautiful sister @cristinereyes wishing you a happy life and good health. Ate, is always here for you. I pray that God will give you your heart’s desire. We love you so much.”

Binisita namin ang Instagram (IG) ng ex ni Cristine na si Ali Khatibi hoping na may birthday greetings siya kay Cristine, pero wala naman pala.

Na-curious lang kami dahil ang comment box ng IG ni Cristine, naka-set sa “comments on this post have been limited” kaya walang makapag-comment.

This Band may bagong hugot single

This Friday, February 7 na ang digital release ng latest single ng This Band na Rebound na nauna nang ni-launch noong February 1. Dahil taga-Las Piñas ang members ng This Band, ginawa sa rooftop ng All Home branch sa Las Piñas ang kanilang launching.

Naging mini concert ang launching dahil nakasama niya ang iba pang Viva Records artists gaya nina Janine Teñoso, John Roa, Miss Ramonne, Kuatro Kantos Band, PAR, Out of Order at Pusakalye.

Ang This Band ang nasa likod sa breakout hit na Kahit Ayaw Mo Na na nagpasikat sa kanila. Ang iba pa nilang hit songs ay Di Na Babalik, Hindi Na Nga, Nang Iwan at ‘Di Sapat Pero Tapat.

Ang This Band ay binubuo nina Andrea Manzano (lead singer), Euwie Von Loria (main songwriter-guitarist), Miccael Galvan (bassist), John Macaranas (drummer), Raymart Gubat (lead guitarist) at Melvin Carso (keyboardist).

vuukle comment

ARA MINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with