^

Pang Movies

Talong Kapuso series nakahanda na ang kapalit

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Talong Kapuso series nakahanda na ang kapalit

Malapit na ang presscon ng Anak ni Waray vs Anak ni Biday dahil ito pala ang ipapalit ng GMA-7 sa Beautiful Justice na maraming beses nang nabigyan ng extension.

Starring sa Anak ni Waray vs Anak ni Biday sina Snooky Serna, Dina Bonne­vie, Barbie Forteza at Kate Valdez.

Malapit na rin ang pagtatapos ng The Gift, ang primetime television series ni Alden Richards sa GMA-7. Given nang ang Philippine adap­tation ng Descen­dants of the Sun ang ipapalit sa timeslot na mababakante ng The Gift na mapapanood na  simula sa February 2020.

Panghapon naman ang Bilangin ang Bituin sa Langit na tinatampukan nina Nora Aunor at Kyline Alcantara. First time ni Nora Aunor na magkakaroon ng afternoon drama series dahil puro pang-gabi ang mga nakaraan na show niya sa Kapuso Network.

Anjo babu na sa showbiz

Kabilang ako sa mga nagtaka sa desisyon ni Anjo Yllana na mag-lie low sa showbiz dahil may pinagdaraanan siya.

Actually, may mga nagpadala raw kay Anjo ng mga text message dahil sa kagustuhan nila na malaman ang ibig sabihin ng kanyang pamamaalam sa social life pero hindi siya sumagot.

Nakalagay raw sa Facebook post ni Anjo na matatagalan ang pagkawala niya kaya may mga nagduda na baka hindi muna siya mapanood sa Eat Bulaga.

Ano kaya ang mga pinagdadaanan ni Anjo na nag-udyok sa kanya para mag-babu sa showbiz? 

Isa pa naman siya sa mga masarap makatrabaho dahil napakabait niya.

Matagal ang pagsasama namin ni Anjo sa Regal Family ng IBC-13 kaya naging close kami sa isa’t-isa. Sa tuwing nagkikita kami, talagang mararamdaman ang aming excitement dahil malalim nga ang pinagsamahan namin.

Bela wish bumiyahe sa Amerika

Tama naman ang sinabi ni Bela Padilla na ang Viva Films ang tunay na winner sa 45th Metro Manila Film Festival dahil top-grosser nga naman ang Miracle in Cell No.7 at second placer ang The Mall, The Merrier.

Ang Viva Films ang producer ng Miracle in Cell No.7 at joint production venture nila ng Star Cinema ang The Mall, The Merrier na parehong pinilahan sa takilya.

Ang wish nga raw ni Bela, ipadala siya ng Viva Films sa Amerika nang malaman niya na may U.S. screenings ang blockbuster movie nila ni Aga Muhlach.

vuukle comment

KAPUSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with