^

Pang Movies

Maine at Sylvia pareho ng hilig!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Maine at Sylvia pareho ng hilig!

Ang tacos ang isa sa mga favorite food ko kaya nagulat ako nang malaman ko na ang tacos ang isa sa mga specialty ni Sylvia Sanchez.

Now I know kaya swak si Arjo Atayde at ang kanyang girlfriend na si Maine Mendoza.

Parehong nag-aral ng culinary arts sina Sylvia at Maine so totoo ang kasabihan na food is the universal language.

Mahilig magluto ang nanay ni Arjo, mahusay magluto si Maine at ito marahil ang magic na nagdikit sa dalawa.

Paborito ni Luis Manzano ang  tacos ni Sylvia kaya tuwing dadalaw siya sa bahay nina Arjo. ‘yun ang  ginagawa ni Sylvia.

At sobra ang food sa pantry nila dahil apat ang anak nina Art Atayde at Sylvia kaya hindi puwedeng nawawalan ng merienda sa kusina.

The way to the man’s heart is really through his stomach kaya masaya at matagal na ang pagsasama nina Sylvia at Art.

Pelikula nina Coleen at EA dream project ni Chris

Isa si Chris Cahilig sa mga pinakamasarap na kausap tungkol sa mga kontrata sa advertising.

Dalawang beses ko nang naka-business transaction si Chris para kay Lorna Tolentino at ngayon ay natuloy na ang isa sa mga dream niya, ang mag-produce ng movie.

Sa tagal ni Chris sa advertising world, sure ako na magagawa niya ang mga idea sa kanyang utak na papatok sa publiko.

Si Chris ang producer ng Mia starring Coleen Garcia and Edgar Allan Guzman na tiyak na tailor-made para sa dalawa.

Matagal nang hindi napapanood si Coleen sa pelikula kaya sure ako na marami na ang nasasabik na makita siya sa wide screen.

Tiyak ko rin na nag-enjoy na magtrabaho ang mga tao na involved sa production dahil sa mabait na boss si Chris. Welcome sa bagong mundo mo, Chris and praying that it will be a success.

Nadine nasa Viva pa rin

Mali naman ang mga balita na nag-babu na si Nadine Lustre sa Viva dahil hanggang ngayon, contract star pa rin siya ng kompanya ni Boss Vic del Rosario.

Matagal pa ang expiration ng exclusive contract ni Nadine sa Viva kaya walang katotohanan ang mga tsismis na lumipat na siya sa itinayo na talent management outfit ni Malcom Reid, ang tatay ni James Reid.

Hindi naman porke umalis na si James sa Viva, susunod na rin si Nadine dahil magkaiba ang kanilang mga kontrata.

True na pumirma si Nadine ng kontrata sa record label ni James dahil wala na siyang kontrata sa Viva Records pero sa pelikula, tele­vision at mga product endorsement, ang Viva pa rin ang masusunod.

vuukle comment

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with