^

Pang Movies

Carbon copy ni Rico Yan, trending

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Carbon copy ni Rico Yan, trending

Kumalat na sa social media ang photo ni Alfonso Yan Tueres.  Napansin agad ng mga netizens na kahawig ng bagets ang yumaong actor na si Rico Yan. 

Tama pala na magkahawig sila, dahil si Alfonso or Alfy ay pamangkin pala ni Rico. Eldest sister ni Rico ang mommy nito na si Geraldine Yan-Tueres.

Grade 8 pa lamang si Alfy, at isang star player ng baseball team niya sa kanilang school.  Wala raw munang showbiz for Alfy, una muna niyang papa­sukin ang pagiging commercial model.  Sakaling mag-aartista si Alfy, susundan ba niya ang yapak ng kanyang uncle na nakilalang “crush ng bayan” noong panahon niya.  Si Rico ay yumao sa edad na 27 on March 29, 2002.

GMA writers kinaiinisan

Nag-trending na number one nationwide sa Twitter last Wednesday, January 8, 2020, ang hashtag na  #PDUnexpectedAnnouncement ng GMA Afternoon Prime drama series na Prima Donnas na tampok ang tatlong Donnas na sina Marie (Jillian Ward) Belle (Althea Ablan) at Lyn (Sofia Pablo). 

Matagal kasing hinintay ng mga netizens ang final announcement ng DNA results kaya talagang tinutukan ito simula pa noong Monday, January 6, 2020 at last Wednesday nga  nalaman na kung sino sa tatlong Donnas ang tunay na anak ni Jaime (Wendell Ramos) at tunay na mga apo ni Lady Prima (Chanda Romero).

Pero matapos aminin nina Lady Prima at Jaime na mga Claveria nga sila, nang sila-sila na lamang, saka sinabi ni Lady Prima na sina Belle at Lyn lamang ang mga Claveria, dahil zero percent ang DNA ni Marie, hindi nag-match ang dugo nila ni Jaime.  At sinabi na ni Lady Prima na galit siya sa mga sinungaling at manloloko, na sina Lillian (Katrina Halili) at si Marie.

Kaya pumalag ang mga netizens na tumutok sa serye.  Sabi ni @greys0419 “Ay ewan san ka nakakita ng triplets na naiba ang type ng dugo sa mga kapatid? At sino na namang demonyo ang nandaya, hindi naman pala si Aiko.  Kainis na writer ginawang tanga ang viewers. Kakagigil, tagal mo inabangan na magsasama na sila, twist bandang huli Claveria din si Mayi. Kalokang writer na yan!”

For sure may medical explanation iyan. Nang magkaroon ng mediacon ang Prima Donnas naa­laala naming binanggit na ni Direk Gina Alajar na isa sa triplets ay hindi nila kadugo. Pero sunud-sunod nga silang isinilang ng surrogate mother na si Lillian, si Mayi pa nga ang una niyang isinilang.

So, wait natin kung paano nangyari iyon at kung Claveria pa rin si Mayi. May request naman ang ibang netizens, ulitin daw ang DNA tests nina Jaime at ng fake na si Brianna (Elijah Alejo) para magkaalaman na.  Anak ni Aiko si Brianna sa ibang lalaki at hindi kay Jaime.

Nagsimulang mapanood ang Prima Donnas noong August 19, 2019, pagkatapos ng Magkaagaw.

vuukle comment

ALFONSO YAN TUERES

RICO YAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with