^

Pang Movies

Maine marunong magpasikat?!

Vir Gonzales - Pang-masa
Maine marunong magpasikat?!
Maine

MANILA, Philippines — Magaling magpasikat si Maine Mendoza ng kapareha. Noong silang dalawa ni Alden Richards ang magkatambal, hindi naman gaanong sikat noon ang huli. Nag-boom lang si Alden nang mauso ang kanilang loveteam na AlDub at Kal­yeserye ng Eat Bulaga.

Ngayon ay hindi na nagtatambal ang dalawa, pero kinakikiligan pa rin kapag nagsama.

May boyfriend na ngayon si Maine, si Arjo Atayde, na wala ring masyadong projects. Pero dahil sikat si Maine at palaging laman ng mga interview, damay pa rin si Arjo at palaging napapag-usapan.

Gerald nagpaka-dignified kay Bea

Marami ang nagsasabi na parang hindi pa rin nakaka-move on si Bea Alonzo sa nangyari sa kanila ni Gerald Anderson. Puro pa rin daw kasi patutsada si Bea sa kanyang ex, katulad na lang ng pahayag nito sa nakaraan niyang interview na kung saan ay tinawag niya diumano’y **shole ito.

Hinangaan naman si Gerald, dahil sa kabila ng mga sinasabing ito ni Bea ay hindi na siya sumasagot. Hindi niya na pinapatulan. Lumabas tuloy na mas dignified si Gerald. Tama ba?

Ang Probinsyano hindi pinagsasawaan

Nakakaaliw talaga ang FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin dahil sa mga kontrabidang hindi mamatay-matay, pero ang tanong pa ng marami, bakit parang palaging pulis lagi ang napapatay?

Apat na taon na sa ere ang AP, malayo na rin ang narating ng istorya. Hindi pa rin daw ba ito matatapos? Sabagay, ayaw pa rin naman kasing tapusin ng viewers. Hindi nila kinasasawaan kahit na parang hindi na ito matatapos.

Dating kalye sa Baliwag, Bulacan bukas na uli

Masaya ang mga taga-Baliwag, Bulacan. Bukas na ang da­ting kalye sa kanilang Poblacion kung saan nadadaanan na ng mga sasakyan ngayon.

Malaking ginhawa ito sa mga taga-Baliwag.

Maraming salamat po sa idea ni Presidente Rodrigo Duterte at Mayor Isko Moreno.

Maligayang kaarawan…

Birthday greetings to Megastar Sharon Cuneta, Marissa Delgado, Marilyn Dela Pena at Barbara Perez.

vuukle comment

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with