^

Pang Movies

KC nag-sorry, Sharon kinalimutan ang panganay na pasalamatan!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Madamdamin ang birthday message ni KC Concepcion sa kanyang inang si Sharon Cuneta na nagdiwang ng kaarawan kahapon, Jan. 6. Nagkaroon ng birthday celebration si Megastar last Jan 5, Sunday sa ASAP Natin ‘To at hindi nakadalo ang panganay niyang anak.

Kaya naman nagpaliwanag si KC sa kanyang Instagram account at humingi ng sorry sa hindi niya pagsipot. Personal reasons ang idinahilan ng dalaga kung bakit hindi siya nakarating.

“Happy birthday, mama.  I’m sorry I couldn’t join the ASAP cele­bration for personal reasons. We may not be perfect, but in the many ways I know how to LOVE you, I have, I do and I always will.

“I have done all I can to help you when I could and to make you proud knowing you had me so young. If I fail, I’m only human and I’m sorry. But I try my best.

“Happiest birthday to you mama. May your light shine brighter and brighter and I will see you soon. I love you and pray for your happiness always,” ang birthday message ni KC sa ina kalakip ang old photo nilang dalawa.

May mga nag-isip nga na tila sagot ito ni KC sa nangyari sa birthday celebration sa ASAP Natin ‘To kung saan ay kapansin-pansin na binanggit ni Sharon ang kanyang mga anak except her eldest daughter.

Sa nasabing selebrasyon ay naroroon sina Frankie, Miel, bunsong anak na si Miguel at ang asawa ni Shawie na si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan.

Sa thank-you speech ni Sharon, aniya, “Thank you, Frankie, Miel, and Miguel for giving importance to Mama, and loving me, and being respectful and kind, grateful children.

“Ipinagdarasal ko rin lahat ng aking mga anak... na sana, lumaki kayo na nakatapak ang mga paa sa lupa.

“Huwag nakalilimot sa pagmamahal ng magulang, at sa lahat ng nagawa ng mga magulang ninyo sa inyo.”

Sa kanyang Instagram account ay nagpasalamat din si Sharon sa kanyang mga anak pero hindi niya rin binanggit si KC.

“With my beautiful daughters who REALLY love me to the moon and back, Kakie and Miel,” ang bahagi ng caption ni Sharon sa IG.

May mga netizens na naawa kay KC dahil parang nagpaparinig daw sa kanya ang ina.

“I thought as a mother you will protect and defend your daughter at all costs. Kung may tampuhan man, just keep it private. Si Sharon, siya pa nagpo-provoke sa mga tao na i-bash anak niya,” komento ng isang netizen.

“Hope KC is ok. Hirap ng situation nya do not know where to belong kasi kahit anong assurance ng parents her situation is still different with parents estranged and both having their own families. Plus the fact na for sure antaas ng expectations was kanya simula pa from everyone,” pahayag naman ng isa pang netizen.

Pero marami rin namang hindi pabor sa hindi pagsipot ni KC dahil lagi na lang daw ganito ang drama ng dalaga.

Well, normal lang naman sa magkakapamilya ang nagkaroon ng mga ganitong tampuhan or hindi pagkakaintindihan. At madalas din naman talagang mangyari ito kina Sharon and KC. At the end of the day ay pamilya sila and for sure ay magkakaayos din.

vuukle comment

KC CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with