^

Pang Movies

Barbie buwena-mano kay Dennis!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Barbie buwena-mano kay Dennis!

Uyyy, ang ganda naman ng pasok ng 2020 kay Primetime Princess Barbie Forteza. May gagawin si Barbie na isang episode ng Daig Kayo ng Lola Ko, titled Sa Ilalim ng Buwan. Kung ano ang labis na ipinagpapasalamat ni Barbie, ay katuparan ito ng isang matagal nang wish na makatrabaho niya ang crush at paborito niyang actor, si Kapuso Drama King Dennis Trillo.

Hindi ikinakaila ni Barbie na noon pa niya idol at crush si Dennis at ang wish nga niya, sana ay makatambal naman niya ang mahusay na actor sa isang project, movie man o teleserye. Biro nga ni Barbie, crush niya si Dennis at alam iyon ng Ate Jennylyn (Mercado) niya, girlfriend ni Dennis, at may boyfriend naman siya, si Kapuso hunk actor Jak Roberto.

Kaya sa Sunday, January 5, mapapanood ang first team-up nina Dennis at Barbie. Gagampanan ni Barbie ang role ni Kayla at si Dennis as Santi. Ang story is about a werewolf dubbed Sa Ilalim ng Buwan.

Ano ang sekreto ni Santi na hindi alam ng mga tao? Makakasama pa rin nina Dennis at Barbie sina Nar Cabico, Kelvin Miranda at Lexi Gonzales. Ididirek ito ni Rico Gutierrez at mapapanood pagkatapos ng Amazing Earth.

What is heartwarming pa rin sa pagpasok ng 2020, muling mapapanood ng mga televiewers ang paborito at mahal nilang si Lola Goreng, kaya welcome back to the Philippine Movie Queen Ms. Gloria Romero. Ilang months din kasing hindi nakapag-taping si Lola Goreng, because of her vertigo kaya kailangan muna siyang magpagaling sa hospital.

Ilang Kapuso stars mas namahinga noong New Year

Kung ang ilang Kapuso stars ay piniling sa abroad magpalipas ng Holiday Season, ang iba naman ay piniling dito na sa bansa samantalahin ang pahinga after ng mga sunud-sunod na work bago ang Christmas break sa taping at shooting.

Si Gabbi Garcia, after ng sunud-sunod na action scenes na ginawa niya sa Beautiful Justice, two days lamang sila ng boyfriend na si Khalil Ramos sa The Farm at San Benito in Batangas. While ang katambal naman ni Gabbi sa drama-action series na si Gil Cuerva ay sa Tagaytay naman nagpahinga. Loveless na nga ba si Gil? 

Si Ryzza Mae Dizon ay sa Hundred Islands in Alaminos, Pangasinan naman nagpunta kasama ang family niya.

Si Katrina Halili, pinili pa ring bumalik sa kanilang beach sa El Nido, Palawan, kasama ang anak na si Katie, matapos ang iyakan scenes nila ng mga Donnas sa Prima Donnas.

Pero ang ibang Kapuso stars, nag-stay na lamang sa kani-kanilang bahay kasama ang kani-kanilang pamilya.

vuukle comment

BARBIE FORTEZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with