^

Pang Movies

Zia maliit na diyosa ang dating sa bagong endorsement

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Zia maliit na diyosa ang dating sa bagong endorsement
Zia

Maliit na diyosa ang dating ni Zia Dantes, panganay nina Dingdong Dantes at Ma­rian Rivera bilang endorser ng Baby Bench scent, ang BabyLicious.

Todo ngiti si Zia sa bagong endorsement niyang ito suot ang kulay puting dress.

Komento ng ilang netizens, “Sooo pretty,” “ Beautiful,” “Goddess in the making. Marian reincarnated,” habang pinusuan naman ito ng marami.

Siyempre proud Papa and Mama sina Dong at Yan sa bagong achievement ng anak, huh!

Pamilya ni Liza tanggap na tanggap si Enrique

Sa America nagdiwang ng Pasko si Liza Soberano. Eh ang bongga sa Christmas niya ngayon, sa sariling bahay na binili nag-Pasko, huh!

Eh bukod sa pagkakaroon ng sariling bahay, kapiling pa niya ang boyfriend na si Enrique Gil.

Pamilya na ang turing kay Enrique ng pamilya ni Liza habang nagkakasayahan sa bagong bahay.

Pelikula ni Aga malapit nang talunin sina Vice at Anne!

Nanganganib na matalo ng movie ni Aga Muhlach na Miracle In Cell No 7 ang festival entry nina Vice Ganda at Anne Curtis bilang number 1 sa walong entries.

Lumaganap na kasi ang mabisang word of mouth publicity na maganda na ang pelikula, magagaling pa ang lahat ng artista, huh!

Kung malakas ang movie nina Aga at Vice, malungkot naman ang producers ng ibang entries dahil nabawasan na sila ng sinehan.

Maganda man ang isang movie, kung hindi box-office star ang mga bida, malabong dagsain ito ng manonood.

Sa totoo lang, hindi pa rin nawawala ang star system sa local movies, huh!

Saka ang cinema owners they have to protect the own interests, huh!

vuukle comment

ZIA DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with