^

Pang Movies

Pangarap na action movie ni Lito Lapid, gustong i-produce ni Manny Pacquiao

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Pangarap na action movie ni Lito Lapid, gustong i-produce ni Manny Pacquiao
Lito Lapid

Napakalaking proyekto ‘yung iniisip na pelikula ni Senador Lito Lapid. Aminado siya, at sinasabi niyang alam naman nilang lahat na may umiiral pa ring krisis sa industriya ng pelikulang Pilipino. Alam din naman daw niya kung bakit nangyayari ang minsan ay ni walang makuhang sinehan ang ibang producers para sa mga pelikula nila, alam din daw niya na lately wala talagang gumagawa ng action pictures. Kaya niya naisip ang isang pelikula kung saan magsasama-sama ang lahat ng action stars.

Nakausap na raw niya ang mga artistang kasama niya sa senado. Kabilang na roon si Senate President Tito Sotto, Manny Pacquiao, at Bong Revilla tungkol sa project na iyon. Bukod doon kausap na rin daw niya sina Robin Padilla at Phillip Salvador. Nakausap na rin daw niya si Coco Martin. At mukhang lahat naman daw ng mga nakausap niya ay payag sa project. Wala silang pag-uusapang problema sa billing. Wala rin silang tatanggaping talent fee sa paglabas sa pelikulang iyan.

Pero ang usapan, ang kabuuang kikitain ng pelikula ay ibibigay nila para sa mga nangangailangan sa industriya, lalo na iyong mga proyektong para sa kapakanan ng mga maliliit na manggagawa sa industriya na nahihirapan ngayon dahil sa krisis.

Iniaalok pa rin nga raw ni Senador Manny Pacquiao na siya na ang magpo-produce ng pelikula.

Sa ngayon ang hinahanap daw niya ay isang magandang kuwento, at isa ring action director na makagagawa ng pelikulang silang lahat ang lalabas. “Sisiguruhin naming matutuloy iyan at walang mangyayaring problema dahil iyan ay gagawin namin para sa kapakanan ng mga tao sa industriya. Hindi namin maikakaila na kaya namin narating kung ano ang kinalalagyan namin sa nga­yon ay dahil din sa showbusiness. Noong una akong kumandidato, ang isinisigaw ng mga tao Leon Guerrero. Kung hindi ba ako naging artista magi­ging ganoon ba kadali sa akin ang manalo? Kaya kailangan naman makaganti rin kami ng utang na loob sa showbusiness,” sabi ni Senador Lito.

Vice Ganda ayaw nang patulungin si Anne sa The Mall...

Gusto pa rin ni Anne Curtis na tumulong sa promo ng kanilang festival movie na The Mall, The Merrier, at gusto rin daw niyang sumakay sa float nila sa parada ng mga artista pero ang mga kasama niya mismo, lalo na si Vice Ganda ang umaayaw.“Concerned kami sa una niyang baby. Feeling namin baby rin namin iyong lahat, at ayaw naming magkaroon ng risk sa kanyang pagbubuntis,” sabi ni Vice sa isang interview.

Medyo malaki na nga ang tiyan ni Anne. Seven months na eh, at ipinagmamalaki niya iyon.

Movie writer at talent manager na si Junne Quintana, pumanaw na

Ilang araw na lang Pasko na, halos matatapos na ang taon, pero humabol pa ang beteranong movie writer at talent manager na si Junne Quintana. Pumanaw siya noong Lunes ng hapon. Sinusulat namin ito, hindi pa tiyak ang desisyon ng pamilya niya sa burol.

Maraming mga artista ring natulungan si Junne, pero siya ang long time manager ni Imelda Papin. Buong buhay niya, nasa showbusiness na siya.

Kabilang din siya sa ilang award giving bodies.

Ipagdasal na lang po natin ang kanyang kaluluwa.

Nawa’y masumpungan niya ang liwanag na walang hanggan at ang kapayapaang walang katapusan. (Nakikiramay po sa naiwang pamilya. RIP Junne. - SVA)

vuukle comment

LITO LAPID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with