^

Pang Movies

Sunshine thankful pa rin kahit talunan

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Bagama’t hindi si Sunshine Dizon ang nanalong Best Supporting Actress sa katatapos lamang na 37th Luna Awards, hindi pa rin niya nakalimutang magpasalamat sa nasabing award-giving body para sa kanyang nominasyon. Kasabay nito ay humingi pa siya ng paumanhin na hindi siya nakadalo sa awards night.

“I would like to thank the 37th Luna Awards for the nomination (best supporting actress for Rainbows Sunset) My sincerest apologies for not being able to attend tonight as my children are both down with the flu and feverish,” ang bahagi ng caption ni Sunshine.

Binati rin ng aktres ang nanalo sa Best Supporting Actres category na si Daria Ramirez.

Pokwang ginagamit ang pangalan ng mga illegal recruiter!

Galit na galt si Pokwang sa kanyang Instagram account at hindi napigilang magmura dahil may isang tao raw na gumagamit umano ng kanyang pangalan para makaraket.

Ipinost ng komedyana ang larawan ng babaeng nagre-recruit ng mga kababayan natin para makapunta sa ibang bansa gamit ang kanyang pangalan. Pero tinakpan niya ang mukha nito at nagbanta na soon ay ilalantad niya rin kung sino ito.

“WARNING!!! Wag nyo gamitin ang pangalan ko at palalabasin nyo na kasama sa entourage ko ang mga taong ipapasok nyo sa Toronto Canada sa darating na April!!! malinaw na illegal recruitment yan!!

“Meron akong video ng taong ito at napaka linaw sa video na binanggit nya ang name ko na kunwari palalabasin nyo na kasama sa entourage ko ang na recruit nyo na kawawa naman magbabayad sa inyo??? malapit kana sumikat wait lang ha!!

“Baka may mga kamag anak kayo na nag a apply ng student visa sa canada wag kayong maniwala soon ilalabas ko video ng mga taong ito!!,” bahagi ng post ni Pokwang.

Marami ang nagre-request sa komed­yana na ipakita na ang mukha ng babae upang hindi na makapangbiktima ulit o di kaya ay i-report and file a legal action. May mga nag-uudyok din na isumbong na lang niya kay Raffy Tulfo.

Boy ayaw nang magdagdag ng show

Natutuwa naman ang King of Talk na si Boy Abunda na napakaganda ng feedback sa kanyang Tonight With Boy Abunda at sa timeslot nito ay natatalo ang mga kalabang programa.

“Maraming maraming salamat. We’re doing very well sa timeslot namin,” he said.

Nakaka-apat na taon na rin daw sila sa TWBA. Bukod dito ay may tatlo pa siyang shows sa ABS-CBN, ang Bottomline, Your Moment and Inside the Camera. Sa ngayon ay okay na raw ito at wala namang planong magdadag pa ng show.

Samantala, si Kuya Boy ang napiling maging Level-Up Ambassador ng AMA Online Education at wala namang ibang perfect talaga para rito kungdi siya lang talaga dahil na rin sa patuloy niyang pag-aaral.

vuukle comment

SUNSHINE DIZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with