^

Pang Movies

Asawa ni Dimples naoperahan dahil sa matinding paghihilik

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Asawa ni Dimples naoperahan dahil sa matinding paghihilik
Dimples

Kahit nasa hospital pa ang asawa ni Dimples Romana na si Boyet Ahmee, dumalo pa rin siya kahapon sa launch ng bago niyang endorsement na JuanLife Personal Accident Insurance na ginanap sa EDSA Shangri-La Hotel.

Sa mismong press launch ay naikuwento ng aktres kung bakit na-hospitalize ang kanyang mister. Nagbiro nga siya na hindi pwedeng i-cover ng JuanLife ang hospitalization ng asawa dahil hindi naman daw ito naaksidente.

“Si Boyet, he has sleep apnea, severe sleep apnea, meaning, pag natutulog siya, pag nai-snore siya, dapat ‘wag natin ‘yung balewalain, ha?

“Di ba, minsan, iniisip mo, ‘grabe nang mag-snore ‘to,’ ginagawa pang katatawanan, di ba? ‘Yung ‘ang lakas mo na maghilik, grabe ka.’ Hindi maganda ‘yun, kasi nai-strain ‘yung heart mo, nahihirapan siyang huminga.

“So, si Boyet, tumitigil ‘yung heart niya pag (naghihilik),” kuwento ni Dimples.

Nag-alala na ang aktres dahil medyo matagal-tagal din daw ang pagtigil ng heart ni Boyet kapag naghihilik.

Kaya raw nagpa-opera na ang mister at naging maayos naman daw ang operasyon.

Samantala, another blessing na naman para kay Dimples na siya ang napili ng JuanLife Personal Accident Insurance para maging endorser.

Ethel nakisali na rin sa pa-kiksilog ng SEA Games

Viral ang tweet ni Ethel Booba tungkol sa controversial na KikSilog breakfast ng mga atleta sa SEA Games 2019 na gaganapin dito sa ating bansa.

Apparently, hindi rin kinaya ng komedyana ang kikiam na ipinaalmusal sa mga atleta. Ipinost niya ang larawan ng kontrobersyal na KikSilog breakfast at sa caption ay may matindi siyang pahayag although binakla niya naman sa ending.

“Awit sa KikSiLog. C Games dapat hindi Sea Games. C for Corruption. Charot!” ang tweet ni Ethel.

Ang daming umayon sa pahayag ng comedienne kaya ilang libong beses itong nai-retweet ng netizens.

Actually, isa lang si Ethel sa mga celebrities na nagpahayag ng pagkadismaya sa ilang mga problemang nagagaganap sa SEA Games 2019 sa pagdating pa lang ng mga atleta.

Binabatikos nila ang gobyerno sa hindi maayos na pag-handle ng napakalaking event na ito na diumano ay matagal na pinaghandaan at pinaglaanan ng napakalaking budget.

Vice nakagawa ng tula para sa birthday ni Ion!

Super-sweet at napaka-touching ng birthday message ni Vice Ganda para sa boyfriend na si Ion Perez na ipinost sa kanyang Instagram account kahapon.

Sa bawat linya ng nasabing mensahe ay ramdam na ramdam mo ang sinserong pagmamahal niya para sa dyowa at nakakatuwa rin to know kung gaano siya kasaya ngayon.

“Ang tagal ko ding naging malungkot habang nagpapasaya. Ang tagal ko ding lihim na umiiyak habang nagpapatawa. Ang tagal kong ininda yung mga sakit na pinagdaanan ko. Hanggang nakilala ko sya.

“Lahat biglang nagbago. Sinagip nya ko bago ko tuluyang malunod. Binura nya lahat ng hinanakit. Naging matamis yung dating ubod ng pait. Sya lang yung may tapang na mahalin ako at ipagmalaki ito. Sya lang yung may boses na ipagsigawan ang pangalan ko.

“Sya lang yung may kamay na humawak sakin kahit may ibang nakatingin. Sya lang yung yumakap sakin na di nagtatago sa dilim. Sya yung minahal ko na di nahiyang mahalin din ako.

“Kaya panalangin ko po Lord protektahan nyo po sya sa anumang pwedeng makapanakit sa kanya. Nawa po’y lagi syang nakangiti at masaya. Sana po ipahintulot nyong habang buhay ko syang makasama. Kasi po mahal na mahal ko sya,” mensahe ni Vice Ganda na may hashtag na“HappyBirthdayIon.”

Inulan ng likes at positive comments ang nasabing post hindi lang ng netizens kung hindi ng mga kapwa-artista which means marami talaga ang sumusuporta sa pagmamahalan nila ni Ion.

 

vuukle comment

DIMPLES ROMANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with