^

Pang Movies

Dalawang actress na matagal may gap dahil sa lalaki, nagkaayos na

Nitz Miralles - Pang-masa

MANILA, Philippines — Magkaibigan na pala uli ang dalawang aktres na nagkaroon ng conflict a few years back dahil puwede na silang magkasama uli, pati pagpakuha ng litrato.

Noong kainitan ng away ng dalawa, mahirap silang magsama sa isang event dahil baka mag-away at malabong mapagtabi para sa picture taking. Kung magkasama man sa pagpapakuha ng litrato, tiyak na fake smiles ang kanilang ibibigay.

Ang rason ng away ng dalawang aktres ay ang hindi pagpabor ni Actress A (AA) kay Actress B (AB) na karelasyon ng kanyang kuya. Naging GF ng kapatid ni AA si AB bagay na tinutulan ni AA sa hindi naman sinabi kung anong rason. Eh, ayaw papigil ang kuya niya at si AB, kaya hate na hate noon ni AA si AB.

Ngayon, friends na ang dalawang aktres at walang rason para mag-away pa sila dahil hindi rin naman nagkatuluyan ang kuya ni AA at si AB.

Mark pasok sa cast ng the band’s visit

Aalis na naman pala si Mark Bautista at matagal siya sa ibang bansa dahil makakasama siya sa cast ng stage musical na The Band’s Visit. Hindi nga lang kinumpleto ni Mark ang balita dahil hindi sinabi ang role niya at kung kailan siya aalis at ang schedule ng shows na kasama siya.

Sabi ni Google, winner ng 10 Tony Awards ang The Band’s Visit including Best Musical.  This is based on Israel film of the same title na ginawang stage musical.

Sa isang interview kay Mark, nabanggit nitong pa-Amerika na sana siya para mag-audition sa mga Broadway musical, hindi lang natuloy dahil kinuha siya ng GMA-7 sa Studio 7.  

vuukle comment

MARK BAUTISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with